"H-Hello?"Nagdalawang-isip pa ako bago sagutin ang tawag niya. I immediately kept my voice down. Ayaw ko kasing magising si mama nang dahil sa akin.
"Hi," I heard his low voice. Nakarinig pa ako ng ilang ingay bago siya nagsalita muli, "Sorry, I had to get up."
"Okay lang... hindi ka pa ba inaantok?" I asked.
Kapag normal na gabi ito, malamang ay mahimbing ang tulog ko ngayong mga oras. I usually sleep at 9 in the evening, so that I won't be tired when I'm at school. Hindi talaga kasi kinakayanan ng katawan ko ang pagpupuyat. Nakakatulog kasi ako sa school o hindi kaya nahihilo kadalasan.
"No. Are you?"
"Hindi rin. I couldn't bring myself to sleep."
Minsan lang naman ako makaranas nang ganito kaya hindi ako sanay. Sana lang talaga ay maliligtas ako ng kape bukas.
"You usually sleep early," he stated.
"Yeah, ang weird nga rin ng nararamdaman ko kasi dapat tulog ako ngayon..."
I heard him sigh on the other line, "My grandma usually said that the best medicine for Insomnia is food."
"Talaga?" I then become interested.
"You should eat fried foods, it would make you sleepy. Like..." he suddenly stopped midway.
"Like what?" kunot noong tanong ko, nang makalabas ng kwarto.
He cleared his throat, "Churros. Lots of it."
My face immediately heated after that. Aba at may gana pa talaga mang-inis ang isang 'to!
"Kailan mo ba ako titigilan kakaasar tungkol d'yan?" napairap ako sa kawalan.
"I'm just suggesting," inosenteng saad nito.
"You're better when you're quiet," biro ko, "Hindi ko inaakalang ganito ka pala kalakas mang-asar."
He let out a soft chuckle.
"I'm still quiet at this rate," nanunuyang sambit nito.
Napailing ako sa sinabi niya. I was suddenly craving for an omelete that's why I decided to cook it.
"Bakit nga pala gising ka pa ngayon?" I asked, while preparing the ingredients for the omelette. Kumuha lang ako ng carrots saka cheese.
"Nothing much," he answered.
"Oh," napatango ako, "Buti ka pa kung ganoon. Mukhang sanay kang magpuyat."
I heard him opening a door, "Yes, my body clock is messed up."
"But you're still functioning well at school, right? Ako kasi kapag napupuyat hindi kinakayanan ng katawan ko."
"Why? Are you sick?" his tone immediately changed.
"No," I laughed, "I mean hindi ko lang talaga kayang magpuyat. Hindi kasi ako maka-concentrate sa school kapag konti lang 'yong tulog ko."
BINABASA MO ANG
Tears Of Melody (To Love Series # 1)
Teen FictionTo Love Series # 1 Snow Regan Montegre, tends to do everything what her parents say and was a slave to her father's commands. She's a dreamer and wants to pursue her own path, where in she met Sun Luke Cheng, the guitarist of the band, Galaxy. They...