Binibilang ko ang bawat segundo minuto at oras na nalalabi sa aking buhay. Minsan nagtatanong ako kung ano nga bang patutunguhan nitong buhay ko. Palagi na lang akong nag-iisa at dinadaanan lamang ng mga tao. Parang hangin lang na kahit alam mong nag-eexist ay walang nakakakita o pumapansin. Napapaisip ako kung nakikita ba talaga nila ako? Kaya naman pag may kumausap sa akin ay hindi ako makapaniwalang may nasa harapan ko upang bigyan ako ng atensyon. Isa lang naman ang gusto ko ang maramdaman kong may halaga rin ang tulad ko.
"Good Morning!", sigaw ko sa mga classmates ko. Naniniwala ba kayong ginawa ko ito? Oo, promise! Nagawa ko iyon, ngunit sa isip lamang dahil hindi ko kayang ivoice-out sa real life. Isa lang naman kasi akong mahiyain at walang lakas ng loob.
Magpapakilala nga pala ako. Ako si Artemis Hermes, unang-una sa lahat mahiyain, walang self-confidence, matipid magsalita,
inosente, palangiti, boring at marami pang ibang hindi maipaliwanag na pwedeng ilarawan sakin.Noong una, hindi ko napapansin na palagi pala akong mag-isa, lagi lang pala akong nakangiti at tumatawa sa ginagawa ng iba, hanggang sa mapansin ko paglipas ng mga araw kung gaano ako nag-iisa at malungkot.
Alam ko na sa mundong ito, ang pagiging mag-isa sa buhay ay isang bagay na walang kabuluhan at pinaka-nakakaawa.
Sanay na akong walang kumakausap sakin. Hindi talaga ako nagsasalita hangga't walang kumakausap sakin."Hahahaha Grabe to." napatingin ako sa mga babaeng nagtawanan sa likod ko. "Ako nga di ko matitiis na walang pumapansin sakin. Ano na lang kaya mangyayari sa buhay niya."
"Papaawa lang yan" Hindi man ako nakatingin pero alam ko at kilalang-kilala ko ang tinutukoy nila.
"Nakakahiya!" Pag-paparinig ng isa sa akin.
Hay naku! Natatamaan ako sa mga pinagsasabi ako naman talaga kasi iyon dahil lagi akong magisa nabubully tuloy ako.Wala akong kakampi ni ang mga kaibigan ay wala din.
Grupo-grupo ang mga kaklase ko na magkakaibigan rito at dahil sila ay marami at mag-kakaclose ganon na lamang sila makapagsalita at mang-husga sa iba.
Napatigil ang pag-uusap ng lahat ng dumating na aming guro. "Good Morning, class" bati nito sa amin.
"Good Morning, teacher" sabay-sabay na sabi naming magkakaklase.
Simula na naman ang klase. Parati na lang akong natatawag ng teacher namin kasi hindi daw talaga ako nagsasalita.
Nung recess at lunch ganon din grupo-grupo silang kumakain habang ako ay mag-isa lamang at di ko man lamang maisip kung paanong makisama sa kanila. Hanggang sa mag-uwian aalis akong walang para mag-paalam sakin.
Sa tingin niyo anong magiging buhay ng taong parating malungkot at mag-isa?
"Bitiwan niyo po ang mama ko! Huwag niyo po siyang sasaktan!" umiiyak na sabi ko habang nagpupumiglas na nakatingin sa aking ina.
"Hoy, bata! Wag kang makialam dito kung ayaw mong idamay kita.", sabi sakin ng lalaking nakasuot ng itim na damit at natatakpan ng itim na bonet ang buong mukha. Nakatutok ang baril nito sa aking ina.
"Anak, umalis ka na! Ayokong madamay ka, anak." Humahagulhol sa pag-iyak ang aking ina.
"Pero, ma, ayoko po." umiiyak na sabi ko.
"Ano ba kayong mag-ina?", napahilamos ng muka ang lalaking may hawak na baril at tumingin sa mga kasama niyang nakatayo sa aking likuran. "Fil, ilabas niyo nga yung batang iyan. Paingay!"
"Anak, mahal na mahal kita." pahina ng pahina ang boses na aking naririnig mula saking ina. Halos hindi ko na rin mapansin na walang awa nila akong kinakaladkad palayo sa isang silid.

BINABASA MO ANG
Fight For Your Loneliness
Ficção AdolescenteSa tingin niyo anong magiging buhay ng taong nabubuhay sa lungkot at nag-iisa? -Artemis Hermes Sa pamamagitan ng story na ito. I just want to share some lessons in life that I know. Thanks for reading!