TSM:5

13K 186 9
                                    


"Khristina! Patingin ako nung calling card ni Senator Timothy!!!" sigaw muli ni Natha.


Simula nung ibigay yun ni Senator last week halos araw araw akong kulitin nitong baklang ito.


"Bilis na gusto ko lang naman syang I-Congrats sa pagkapanalo niya! Akalain mo yun highest vote siya hihihi gwapo nya talaga!" Wika nito habang pumapalakpak pa.


Umiling nalang ako at pinagpatuloy ang pag aayos ng gamit, Kakatapos lang ng halalan nung nakaraang biyernes at nanalo nga iyong Timothy bilang Senador at highest votes ito.


Simula noong nanalo ako sa Beauty contest na iyon ay dumami ang taong nakakakilala sakin rito sa Hotel maging sa social media ay madami ang nagsimulang ma recognize ako, Nagbabalak narin akong maghanap ng trabaho ngayong linggong ito para naman masimulan ko na ang pagpapadala kay Mama. Nakakatuwa at makakapagpadala na ako ng malaki kay mama agad dahil sa prize, pero mag iipon ako para naman maka  uwi na si Papa at makapgpahinga sa trabaho.


"Sis jan ka muna ha? May pupuntahan lang ako maya maya naman ay dadating na si Thalie may inasikaso lang yung designs" Sambit ni Natha at pinatay nya na ang TV, Tumango lang ako at ngumiti at umalis na rin siya.


Napaitlag ako ng biglang tumunog ang phone ko, nakita kong nagtext ang isang unregistered number at binuksan ko ito.















Hi Sunshine, I've waited for you to call me but you didn't. Well there will be a party in my Mansion tonight 7 pm please come.


Your Senator, Timothy.







Agad na nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang message na iyon, At lalo akong nagulantang nang biglang magbukas ang pintuan at niluwa nito si Nathalie.


"Khristina!!! Gosh ano tong nakita ko sa twitter Senator Timothy invited you sa party niya!? Omg!" Sigaw na bungad ni Nathalie na mukhang hindi makapaniwala.


"Hah!?" Tanging nasambit ko at agad binuksan ang twitter ko. He started following me and saw his tweet that he wanted me to come to his party. And he also liked at retweets my pictures from the pageant last week.


I literally get shookt.


"Omg! Girl Pumunta ka! Ako bahala sayo bili na you will be recognize lalo" Excited nitong tugon.


"Do I really have to go to that party?" Naguguluhan kong tanong at nag aalinlangan.


"Of course! You've got invited by a bigtime Senator! Andaming gustong pumunta dun na di makakakapunta pero ikaw, you got that chance, Isa pa madami dung big names baka dun ka pa makakuha ng trabaho diba?" Paliwanag ni Nathalie habang nakapameywang.


"Sabagay" Mahina kong sagot at tumingin sa bintana ng unit, Pero bat pakiramdam ko hindi makakabuti ang pagpunta ka dun. Kinakabahan ako bigla

Mistress Series 1: The Senator's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon