CHAPTER 2

17 3 0
                                    

Angel Rin's point of view:

"That was only an accident, please stop teasing me already", nahihiya kong sinabi sa kabilang linya.

"Okay, okay. I'll stop", gaya nga ng sinabi niya ay hindi na niya ako inasar.

"What time pasok mo?", nako buti nalang pinaalala niya, nakalimutan niyang may pasok siya ngayon.

"Ay, mamaya pang 8:30", sabi ko sabay tingin sa orasan. 6:52AM.

"Ang aga mo naman mambulabog!", hindi niya alam pero komportable na siya kaagad kausapin ito.

"Kasi maaga ako nagising. Get ready for forty minutes lady", sabi niya at pinatay ang tawag. Aba ang aga pa!

Pero heto ako ngayon, kakatapos lang maligo at mag toothbrush, hindi ako kumakain pag umaga kaya nakabawas oras din ito sa akin.

Inaayos ko nalang ang hitsura ko. Nilagyan ko ng powder ang mukha at leeg ko, konting strawberry flavored liptint naman sa labi ko dahil masyadong tinted ito.

At ayan, ready na ako. Tumingin ako sa orasan, 7:35AM. Saktong pag hawak ko sa phone ko ay may tumawag, sinagot ko naman ito kaagad.

"Hello?",

"Ready kana?", tanong ni Jimin.

"Ready saan?",

"Mag ayos ng sarili, dalian mo at lumabas kana", nagtataka naman akong tinitigan ang phone ko ng patayin niya nanaman ito.

Ano bang trip ng lalaking 'to?

Bumukas na ang pintuan ng elevator ng pakarating ito sa ground floor. Tuloy tuloy akong lumabas ng elevator, tatawag na sana ng uber pero may kumuha ng phone ko mula sa likod ko.

Pag tingin ko sa kumuha ay nagulat ako, "Goodmorning ulit Rinrin", he flashed me again his angelic smile.

"A-anong ginagawa mo dito?",

"Fetching you", binalik niya ang phone ko sa kamay ko at kinuha naman ang shoulder bag ko.

"Ako na magb-bitbit", sabi ko ng magsimula na itong mag lakad papalabas, ako naman syempre sinusundan siya sa motorcycle parking ng apartment.

"Oh ayan, baka kasi di ka sumunod pag di ko kinuha eh", he chuckled.

"Bakit ba kasi sinundo mo pa ako?", nahihiyang tanong ko. "Sabay na tayo kumain sa labas", sagot niya habang binibigay niya sa akin ang gagamitin kong helmet at isinuot niya naman ang kaniya.

Sabay kumain? It's like asking me for a date..

"Hop in", sabi niya ng makasakay na siya, sinunod ko naman siya.

Nakarating na kami sa isang café na medyo malapit lang sa apartment ko, wala pa masyadong tao rito dahil masyado pa ring maaga.

"Anong gusto mo?", he asked while looking at the menu in the cashier.

Ikaw.. take out..

"Uhm, mocha at bacon & cheese omelet nalang sa akin", tumango naman siya. "One mocha, one cappuccino, and 2 bacon&cheese omelet", sabi niya sa cashier.

Inilabas ko naman ang wallet ko, kukuha na sana ako ng pambayad ko pero pinigilan niya ako. "Ako na", mabilis siyang nag bayad sa cashier at napakamot naman ako sa batok ko.

"Hatid sundo mo na nga ako, nililibre mo pa ako ng breakfast. Magtatampo na ako nyan", malungkot na sinabi ko.

Nahihiya na kasi ako sakaniya. "Sorry na. Sige next time, libre mo naman ako", napangiti ako sa sinabi niya.

LYS01: SERENDIPITY (COMPLETED)Where stories live. Discover now