Una - Heavy Rain 大雨

2 0 0
                                    

Dedicated to: kise_lara 💕 ito na po Boss Madam. Hahaha.

Umiiyak ang mga cicada habang naglalakad si Yuuji papuntang school. Matingkad na rin ang sinag ng araw sa mga oras na iyon, asul ang kalangitang may mga nakaaligid na ulap, at may mga estudyante ring tulad niya na naglalakad papasok sa Inage Senior High School. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at inalala ang lahat ng mga nangyari kahapon.

Pagpasok niya sa room, wala sa sariling upuan si Akari. At wala rin ang kanyang presensya sa buong silid. Ewan niya ba sa babaeng iyon. Unang ulan ng Agusto, nagpapaulan daw.

Madilim ang hall noon dahil na rin sa mga amagumo, o rain cloud. Ipinapalit niya ang kanyang mga sapatos mula sa locker. Habang ipinapalit ang huling kaliwang sapatos, tumingin siya sa labas.

"Shit!" bulalas niya nang makita ang malakas na buhos ng ulan na siyang nagpapalabo ng gray na paligid. Tinakpan niya rin agad ang bunganga niyang nagmura. Shitto talaga, ang lakas ng ulan! Wala pa man din siyang payong. Hindi lang walang dala, wala talaga. Kami-sama, naglinis lang naman ako ng room. Tinakasan ako ng kasama ko!

"Hala, paano yan, umuulan na," nakarinig siya ng tinig ng isang lalaki. Lumingon siya sa medyo maliwanag na silhouette ng dalawang third year sa harap ng glass door.

"Okay lang, may payong ako!" optimistikong wika ng babae. Pinanood ni Yuuji ang dalawa na tumakbo sa ulan. Sa pag-akbay ng lalaki sa babae at ang paghawak nito ng payong, alam niyang magkasintahan sila. At, bago pa mawala ang imahe nila, isang metrong layo mula sa kanila, nakatayo doon ang kanyang partner sa paglilinis ng silid-aralan...

At naroon siya, nakataas ang dalawang kamay na para bang naghihintay ng yakap mula sa marahas na buhos ng ulan.

"Tsk," tinig na lumabas sa bibig ni Yuuji. Badtrip na Rain Freak yan. Matindi talaga to ah. Akari is sane then the next minute she can't resist the rainfall's arrival.  Binuksan niya na ang glass door at tumakbo papunta sa kaklaseng gumagawa na naman bagay na ikasasakit niya.

"Mizuyama, Mizuyama!" isinigaw na ni Yuuji ang lahat ng boses niya. Nang hindi gumagalaw ang babae, itinuloy niya ang pagtakbo.

"Oy, Mizuyama, yung kapatid mo ata yun!" tumindig ang taenga ni Mizuyama Yuu, ang kuya ni Akari. Kinidlatan siya ng pagkainis. Binitiwan niya ang flower-shaped cut-out paper sa desk at pumunta siya sa tabi ng kaklase sa may bintana at sinilip ang harap ng building entrance na may pigurang ant-size ng isang naka-female uniform at mahabang kayumangging buhok.

"Hay," Tanging bulalas niya. Tanga talaga, pagtutuloy niya sa isip. Magkakasakit na naman ang loka. Nagpapasalamat siya at hindi nag-aaya sa kung sino na samahang maligo sa ulan ang kapatid, kaso ang sakit pa rin sa ulo ang posturang ginagawa niya. Halatadong walang pakialam sa susunod na mangyayari sa kanya. He just can't stand the bathing-in-the-rain cause business.

"Hindi mo ba pupuntahan?" tanong ng kaklase. Parang inuudyok siyang gawin ang gusto nito at puntahan ang kapatid sa tono ng boses niya. Kung bakit ba napaka-"humble" ng kanilang presidente, ngunit maganda iyon, mabait ang buong seksyon dahil sa impluwensya niya.

"May papalapit naman sa kanya," sabi ni Yuu, at tuluyang bumalik sa kanilang ginagawang sorpresa para bukas... At panigurado ang bukas na iyon ay araw ng pagkaabsent ng kapatid.

"Mizuyama anong ginagawa mo?!" gamit na ang voicebox at baga ni Yuuji sa pangatlong sigaw niya. Bakit nga ba tatanungin ni Yuuji? Pero ang hirap talagang tanggapin at lunukin sa isip ang ginagawa ng babae. Nakataas pa rin ang mga kamay ni Mizuyama.

Rainfall (For CRITIQUING For Now)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon