Prologo

1 0 0
                                    

Maria Constancia Gonzalez-Mercado February 17, 1915- March 25, 1983To the Lady who we're inloved with the natureRest In Peace

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maria Constancia Gonzalez-Mercado
February 17, 1915- March 25, 1983
To the Lady who we're inloved with the nature
Rest In Peace

*Ika-labing pito ng Pebrero sa taong 1999*

"Ma... Patahimikin mo na kami... Hindi kakayanin ni Sobelle ang buhay natin noon..."sabi ng isang ginang sa harap ng isang puntod.

Nagsambit muna sya nang maikling dasal para sa binisita nyang yumao na ina.

"Mommy... Why are we here?"tanong aagad ng kanyang anak pagbalik nya sa kanilang sasakyan.

"Wala anak. May binisita lang ako anak. Tara na. Hinihintay na tayo ng Daddy mo."sabi nya sa kanyang munting anak na babae na may edad na apat na taong gulang.

"Okay Mommy."magalang na sagot ng munting prinsesa ng ginang.

"Mary! Kailangan na nating umalis. Pinapatawag na ako ng Boss ko."pagmamadali ng kanyang asawa.

"Coming Mahal! Martina umayos ka na ng upo. We need to go na. Para maaga tayo makarating sa Manila."sabi nya sa kanyang anak.

"Aren't we staying at Lolita's House? I'm pagod na po kasi..." nangungulit na tanong ng kanilang anak.

"Baby we need to go now. Babalik pa naman tayo dito di ba?"pagpapaunawa ng asawa ng ginang sa kanyang anak.

"Okay Daddy! Let's go now! Wieeeeeeehhhh"masayang sinabi ng bata.

***

Martina

May natagpuan akong kakaibang singsing sa kwarto ni lola ng makapasok ako. It looks like a clock but it is a ring. Design lang siguro. Di naman kasi gumagalaw.

Hmmm. It is very very luma na... Akin na lang itong singsing Haha.

Pagkasuot ko, biglang gumalaw ang orasan na nasa loob ng singsing at parang may gagalawin ka sa gilid, kaya ginalaw ko. Pero paggalaw ko nun, bigla na lang akong nahilo. Biglang sumakit ang buong katawan ko. Bumagsak ako at nawalan na ng malay.

---

Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata, nalaman kong nasa kwarto pa rin ako ni Lola.

Hindi ko alam pero bigla na lang akong napatayo at humarap sa salamin.

Wait what?! Anong nangyari sa akin?!

"Aking kapatid... Naririyan ka lang pala... Halika na at tayo ay sasama pa kay Ama..."

"Teka sino ka? Anong ginagawa mo sa kwarto ni Lola?"bigla kong tinanong dahil hindi ko naalala na may kasama si Manang na iba.

"Ayan ka na naman sa pagiging pilya aking Kapatid... Tayo na't humayo sa maikling salu-salo na inihanda ng ating alkalde mayor..."

"What?"naguguluhan kong tanong.

"Constancia, ano bang nangyayari sayo? Tila ika'y nasapian nang kung anong masamang nilalang"sabi nya.

Naguguluhan na talaga ako. Tinanong nya ako sa pangalan ng matagal ng patay kong lola.

"Ngunit dahil alam kong ikaw ay pilya lang talaga kaya ka nagkakaganyan. Sige, aking papatulan iyang kalokohan mo. Ako si Maria Isabella Gonzalez, ang iyong kapatid."

Ano? Siya si Lola Belya? Yung sinasabi ni Mommy na nagmadre para makatakas sa arranged marriage? Tsaka... 😱😱

"Bakit buhay kayo? Matagal ka ng patay Lola..."naloloka kong tanong.

Jusko ang creepy na dito ahh! Baka naman nagpaparamdam sa akin yung kapatid ni Lola Constancia.

"Tigilan mo na ang mga biro mo, Constancia. Hindi na nakakatuwa. Halina at baka magalit pa si Ama. Teka nga pala Nabasa mo na ang dyaryo ngayon? Naroroon ang ngalan ng anak ng ating Alkalde Mayor na si Alfonso De Madrid."

May inabot syang newspaper sa akin at una kong tinignan kung anong date na ngayon.

What?! 1933?!

Back To You [Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon