Nagising ako ng maaga at tumingin sa kisame ng sampung minuto. Hindi ako makapaniwala na magiging ganito ang buhay namin, akala ko magagawa ko lahat. Pero hindi, dahil sa mga nangyayari ngayon unti-unti na akong nawawalan ng gana sa lahat.
TAPOS ANG PINAKA-MASAKLAP PA TITIRA PA AKO SA BAHAY KASAMA ANG DALAWANG KAMBAL NA HINDI KO NAMAN KILALA!
Bumangon ako at dumiretso sa banyo agad. Naghubad ako ng pantulog ko at naligo ako agad. Pagtapos ko maligo sinuot ko yung favorite kong blue flowy dress at nag-makeup ako ng konti blush at liptint lang pwede na. Natural kumbaga para pak pak ganern!
"Morning." Sinabi ko kila mama at papa "Anak naimpake na namin lahat ng gamit mo at nailipat narin namin don sa bahay nila.
"Bakit sa lahat-lahat ng pagtataguan ko sa bahay pa nila?!" Inulit kong sinabi sa mga magulang ko "Atleast sila mababantayan kang mabuti. Alam mo naman kung gano ka delikado buhay natin anak diba? Sila kaya ka nilang protektahan. Kami ng mama mo hindi. Aayusin namin ito, kapag naayos ito. Babalik kana dito." Sabay halik saaking noo "Mamimiss ko kayo." Sabi ko
At eto na nakarating na ako at nakatayo sa harap ng malaking pinto.
"Hi im Marco Donovan and this is my twin Jacob Donovan." Ampogi nila hehe. Hindi naman kasi ako ininform na ganto sila kapogi "Nice to meet you too! Saan yung kwarto ko?" Tanong ko "What kind of language did you use?" Napanganga ako ng mula sa oras. Sana di ako maubusan ng dugo dito "Umm im sorry i thought you two were speaking tagalog. As i was saying, umm where will i sleep?" I said
"Oh. You will be sleeping in our room." Kumunot yung noo ko at pumaharap ako sakanila "You better tell me that this is a joke. Because im tired and i want to go to sleep. Do you understand me Marco?" Sabi ko tapos inirapan ko sya "Fine fine. Magkakatabi lang tayo ng kwarto." Di naman pala inglishero ng buo kala ko naman talaga di nagsasalita ng tagalog "ok show me please."
Dinala nila ako sa magiging kwarto ko pansamantala at nagtataka ako bakit tatlo yung pintuan ko. Nilapitan ko yung isang pintuan at binuksan, banyo pala. Sa pangalawang pinto pagkabukas ko agad akong kinilabutan dahil.
PINTO PATUNGO SA KWARTO NI MARCO!
"What the f-ck?" Sabi ko at sinampal ko agad sarili ko para magising sa katotohanan "Bad girl." Sabi ni Jacob "So?" Sabi ko at tinaasan sya ng kilay.Nag-vibrate yung phone ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Si Nathan boyfriend ko.
"Hello babe?" Sabi ko
"Hi ba-."
"Who are you? Stop calling Andrea ok? She's in our protection. Sorry it's a family matter and she can't go with you alone. Bye."
"BASTOS AMP-TA!" Sigaw ko sakanya "Bat mo sinabi yon?" Dagdag ko "Why not?" Sabay pa nilang sinabi at biglang bumulong si Marco kay Jacob "We gotta go and here's your phone." Bigla silang umalis ni-lock ko yung pinto ni Marco na nasa loob ng kwarto ko mismo at napag-isipan ko maligo nalang
Iba talaga pag anak ng mayayaman. Pati CR napakaganda talagang gaganahan ka maligo hehe. Hinubad ko na yung mga suot ko at nilublob ko ang aking katawan sa bathtub.
Inamoy ko yung sabon amoy strawberries. Nakakarelax. I miss mama & papa. Sana maayos na tong problema naming pamilya. Gusto ko pa mabuhay ng matagal.
Biglang may bumukas ng pinto at nakita kong may sumilip at pumasok "MAAAAAANNNYYYAAAAAAKKK!!!" Sigaw ko at tumalikod kay Marco agad-agad "Sexy." He said in a sexy tone "PUT-NGIN- MO!" Sino ba namang hindi makakapag-pigil hindi magmura? Lalo na kung habang lumalaki ka nakasama mo lagi yung lolo mo na walang isang araw na hindi mo maririnig magmura "HINDI KA PA DIN BA LALABAS?!" Sigaw ko uli "No im still enjoying the show." Sabi niya tas sabay tawa
BINABASA MO ANG
Living with the twins
Romance"Bakit sa lahat-lahat ng pagtataguan ko sa bahay pa nila?!" Inulit kong sinabi sa mga magulang ko "Atleast sila mababantayan kang mabuti. Alam mo naman kung gano ka delikado buhay natin anak diba? Sila kaya ka nilang protektahan. Kaming mama mo hind...