Chapter 1: Welcome to Häxor

91 9 0
                                    

Alora

"Alora pakiabot nga yang kahon na nasa tabi mo." Utos ng nakakatandang kapatid ko na si Arely Audrey. Agad ko naman iniabot sakaniya ang kahon na naglalaman ng mga gamit niya.

Malapit na kaming matapos sa pagiimpake ng mga gamit namin. Lilipat kami sa isang maliit na bayan dahil pinapaalis kami dito sa bayan ng Tierras.

Kami ng ate ko ang sinisisi ng mga taga Tierras kaya daw naging malas ang bayan ng Tierras. Simula daw nung lumipat kaming dalawa sa bayan nila ay sunod-sunod na daw ang mga masasamang pangyayari sa buhay nila.

"Ate Arely, magkakasya pa ba ang perang meron tayo ngayon?" tanong ko sakaniya. Tumigil siya sa pagiimpake at tumingin sakin ng nakangiti.

"Wag kang mag alala Alora. Maghahanap ako ng trabaho doon sa bayan na lilipatan natin." sagot niya. Tumango ako sabay ngiti sakaniya at binalik na ang atensyon sa pagiimpake.

"Tutulungan kita maghanap ng trabaho ate Arely." sambit ko habang nagliligpit ng mga kahon. Di na siya sumagot at pinagpatuloy nalang ang pagiimpake.

Hatinggabi na nang matapos namin ang pagiimpake. Napagdesisyonan namin sa umaga nalang umalis dito sa bayan ng Tierras.

Iisang kwarto lang ang meron sa tirahan namin dito sa bayan ng Tierras  kaya magkatabi kami matulog. Pumasok na kami ng kwarto at natulog na.

------

"Arely! Lumabas na kayo ni Alora!" sigaw ng mama ko habang umiiyak.

Naguguluhan ako. Ano ang nangyayari? Bakit nakahandusay sa sahig si papa? Bakit puno siya ng dugo? Bakit umiiyak si ate Arely at mama?

"Ma! Hindi ka namin iiwan dito!" sigaw naman ni ate Arely habang umiiyak. Nandito lang ako sa tabi niya.

"Mama? Ate Arely? Anong nangyayari? Ba't may dugo katawan ni papa?" nanginginig kong tanong habang litong-lito na nakatingin sakanila.

"Anak." umiiyak na sambit ni mama habang nakatingin sakin. "Alora di mo pa maiintindihan. Arely lumabas na kayo dito. Mahal na mahal ko kayo." humahagulgol na si mama habang nagsasalita.

"Ma! Hindi ka namin iiw--" di na naituloy ni ate Arely ang kanyang sasabihin dahil biglang umilaw ang katawan ni mama kasabay nito ang pagtilapon ng katawan namin ni ate Arely sa pader.

"Alora!" huling narinig ko bago ako nawalan ng malay.

"Alora!"

"Alora! Gising!"

Agad kong naimulat ang aking mga mata. Bumungad saakin ang nagaalalang mukha ni ate Arely.

"Nananaginip ka nanaman." nagaalalang sambit niya. Agad naman akong umupo at tumingin sakaniya.

"Napanaginipan ko nanaman yung nangyari." sabi ko sakaniya. Agad naman sumeryoso ang kanyang ekspresyon. "Ano ba talaga ang nangyari nung gabing yun ate Arely? Bakit ba hanggang ngayon di mo parin maipaliwanag saakin?" tanong ko sakaniya. Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita sabay tayo.

Häxeri Academy; Practice of SpellsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon