Sophia's POV
"baby,gising na nasa baba si Lexi."gising sakin ni Mama kaya naman minulat ko na yung mga mata ko. "ready na din ang breakfast ."dagdag nya pa.
"sunod na po 'ko" tipid na sagot ko..
Paglabas ni Mama ng kwarto ko ay kinuha ko agad yung cellphone ko para i-check kung may post si Skyler sa social media....pagkakita ko palang nung picture nya agad ko itong ni-like
'ang gwapo gwapo nya talaga huhu!'
Si Skyler ay isang Model at Singer sa US, isa syang half filipino at half american.
Pagkatapos kong mag-cp ay agad na akong naligo at nagbihis para sa first day of school namin..
Pagkababa ko ay nakita ko nga si Lexi kasama ni Mama kumain sa baba..
"Sophiaaaaaaa!! IMISSYOUUU!!"masayang tawag nya sakin.. "Ang ganda ganda mo! dalaga ka na talaga"
'Ang OA talaga neto'
"kumain ka na bilis, ayokong ma-late" dagdag nya pa.
"ahh Lexi, maganda ba sa school ng kuya mo?" tanong ko at tsaka nagsimulang kumain..nag transfer kase kami sa school ng kuya nya.
"maganda naman daw sabi ni kuya.. why?"
"kinakabahan kase ako eh" saad ko
"naku! kasama mo naman ako eh"sabi nya pa at tumango tango na lang ako.
Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na kami kay Mama..
"Ma, pasok na po kami" paalam ko.
"una na po kami, tita" dagdag ni Lexi.
pagkalabas namin nag bahay sumakay na kami sa kotse ni Lexi..
"pia, araw araw na kitang susunduin sainyo kase gusto ko laging may kasama"sabi nya habang nagmamaneho..
"pag iisipan ko." biro ko.
"Wow teh, ikaw pa mag iisip ah hahaha" sabi nya pa. "sige na para lagi tayong magkasabay" pilit nya pa..
"oo na" napipilitang sagot ko kunwari
—SCHOOL—
"WOW! ang laki at ang ganda pala ng school ni kuya" namamanghang sabi nya..
"kaya nga eh, tsaka parang lahat ng nagaaral dito ay Mayayaman" sagot ko
"Mayaman naman kayo ah" sabi nya kaya natawa naman ako.
Niyaya ko sya sa Bulletin para tignan kung anong section kami, sabay kase kami nag enroll at nagparequest kami na classmates kami.... at nung makita na ni Lexi yung sec namin ay agad nya kong niyaya papunta sa Classroom..
Pagkadating sa Classroom ay wala pa naman ang Lec namin kaya chineck ko muna yung social media ko kung may post si Skyler pero...Wala
'hala bakit wala? huhu'
'wala tuloy akong inpiratio—'
Nagulat ako nung biglang may pumasok sa classroom namin..... si SKYLER!!!!
'WTF! patayin nyo na ko ngayon, as in now na!!!'
'OWMAYGASHHH!! hindi ako makapaniwalang nakikita ko sya ngayon'
'Papa Jesus, kung panaginip po ito wag nyo na po akong gisingin'
'waaahhhhhhh ampogiiiii nyaaa'
"OMG! girls si Skyler ba yun?" sabi nung isang babaeng maarte.
"Gosh!! oo nga, waahhhhh! ang gwapo nya" maarteng sabi din nung isa..
BINABASA MO ANG
My Idol, My Boyfriend (On-Going)
Novela JuvenilIsang fangirl na nangagarap makita,makasama o kahit mahawakan man lang ang Idol nya.... Ano kayang mangyayari kung magkatotoo ang pangarap nya?