Sisimulan ko na sa huling patak ng aking mga luha
Sisimulan na kita ipalaya at ipaubaya sa kamay ng iba
Sisimulan ko nang baguhin ang ating nagdurugong mundo
Kasi sa bawat tayo palagi nalang may duloSisimulan ko na sa tagu-an ng nararamdaman
Syempre ang galing ko diyan
Dahil sa aking pinagdaanan
at sa ating kinakalimutang nakaraanNakita kita masaya na sa kanya
kagaya kung paano kitang napasaya
kagaya ng pagyakap mo saken kapag ako'y umiiyak
sabay tatago at kung ika'y nananalo ako'y pumapalakpakGinawa ba lahat niya lahat ng ginawa ko?
Ginawa niya bang tumakbo kapag ika'y may laro?
At kahit napapagod na sinusunod parin ang puso?
Nagawa kabang ipaglaban?kahit alam niya na may dulo?Alam ko naman na wala
hindi ko alam kung paano ka niya napasaya
pero ang alam ko minahal lang naman kita ng sobra
at pinaglaban kahit kailangan na kitang bitawanMga araw na nayayakap pa kita
at kung may sakit ka ako'y pumupunta at nagaalala
hindi ko kayang sabihin lahat ng gusto ko
okay naako na masaktan wag kalang mawala kung saan man ito patungoMaiwan man ako nag durugo na puso
basta alam ko na napasaya kita sa mga oras na andiyan ka sa tabi ko
magiging masaya nalang ako hanggang andiyan kapa
pero kung sinaktan ka niya andito lang naman ako nagpapalayasisimulan ko na sa pasensya hindi ko sinabi
natatakot lang ako na baka mawala na itong ngiti
sa pagkakataon na ako ay bumabawi
tatanggapin ko hanggang alam ko na ikaw ay aking pag aarisasabihin ko na mahal kita
yayakapin at hahalikan sa noo at ipapakita ko sayo
na kaya kitang ipaglaban kahit sa susunod man na mundo
pero ang sakit sabihin dahil hindi totoo.