"Guys, invited ba kayo?""Omg! i'm so excited!"
"Teka, ano ba ang pinag-uusapan nila?" agad na tanong sa akin ni Amara habang papaupo palang siya sa kaniyang upuan. Nagkibit balikat nalang ako. Kahit ako ,hindi ko alam.
Napahinto naman ako sa pag-ayos ng gamit nang makita ko na may nakatayo sa harapan ko. "Hi Precious! oh hi...Amara!" bati naman ni Chelsea. Ang vice-pres namin.
"Oh? edi hello." iritadong sagot ni Amara. Napatahimik naman ako. Simula palang nung una ay ayaw na ni Amara kay Chelsea dahil daw sa pekeng ugali nito. Tumikhim naman ako para maagaw ang atensyon ni Chelsea bukod sa ayaw ko ng gulo ay nakaharang din siya sa harapan ko.
"Uhm, iinvite ko sana ikaw--err kayo sa birthday celebration ko this coming Saturday.. Uhm, sana makapunta ka." nakangiting sabi ni Chelsea sa harapan ko.
"Tss, pambata.." bulong ni Amara kaya kinurot ko na siya. "Stop." banta ko.
"Uhm, sige. Try namin." sagot ko sa kaniya. Agad naman siyang umalis at bumalik sa kaniyang pwesto.
"Pupunta ka talaga? Ayaw ko nga eh!"
"Tsaka hindi kami close ni Chelsea kaya wag ka na rin pumunta!"
Agad naman akong huminto sa paglalakad kaya tumama ang mukha niya sa likuran ko. Tss, stupid.
"Why? masaya yun tsaka balita ko invited daw si Aiden." agad kong sabi sa kaniya kahit ang totoo niyan ay hindi ko alam kung invited nga ba.
"Talaga? Omg! pupunta ako! Ano kaya susuotin ko? Dress? or mag-gown nalang ako para maganda ako sa paningin--"
"Precious.." isang malamig na boses ng lalaki sa aming likuran. Hindi ko alam kung bakit bigla bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Kuya? what are you doing here? busy kami. Kaya chupi!" agad na sabi ni Amara. Hindi man lang maalis ang titig sa akin ni Damian kahit na kinakausap na siya ng kapatid niya. Kita ko sa kaniyang mga mata ay awa at lungkot.
"Just shut up Amara. Kakausapin ko lang siya." sagot sa kaniya ni Damian. Sumenyas naman ako sa kaniya na hayaan na niya dahil gusto ko na rin ng closure para sa aming dalawa.
Nagulat ako ng bigla niyang hablutin ang aking kamay. "T-teka, dito nalang tayo mag-usap." mahinahon kong sabi pero sa totoo lang ay kinakabahan na ako.
"No."
Lumabas kami at dun kami sa likuran ng isang classroom kung saan walang makakita sa amin. "I'm sorry.." aniya.
Napatahimik ako. Hindi ko alam kung ano nga ba ang tamang sagot sa kaniyang sinabi. Hinawakan naman niya ang aking baba para magpantay ang aming tingin. "Look, i'm really sorry.. pinagsisihan ko yun na iniwan kita ng walang pasabi.. I'm really sorry.."
Nanlaki ang mata ko nang makita ko siyang lumuhod sa harapan ko at nakitang may pumatak sa kaniyang pisngi. What the? Umiiyak ba siya?
"Damian.. tumayo kana diyan.." Sinimulan ko nang hawakan ang braso niya para patayuin pero imbes na tumayo siya ay hinawakan niya lang ang kamay ko. "Tell me.. kung ano ang gusto mong sabihin..gagawin ko.. baby.."
Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin basta't namalayan ko nalang ay nakayakap ako sa kaniya at unti-unting nawawala ang bigat sa nararamdaman ko. Now.. i feel safe..
-
"Like what the heck?! kailangan ko talagang gawin yun?" reklamo ni Amara habang tinutulak ko siya palapit sa table nina Aiden. Ngayon ay dumalo kami sa birthday celeb ni Chelsea at kasama ko rin si Damian na nakikipag-usap rin sa mga dati niyang kaibigan.
YOU ARE READING
Gone With The Wind
Teen FictionLove is like the wind. You can't see it but you can feel it.