The intoxicated ambiance of the whole place made my system filled with uneasiness. Hindi ako kailanman naging sanay sa ganitong klaseng paligid.
The hard scent of liquors keeps on entering my olfactory senses. Nakakasilaw rin ang mga neon lights na umiikot sa buong paligid. Everybody's enjoying the night, doing their own business.
May mga sumasayaw sa dance floor na halata namang wala na sa huwisyo. May mga sawing umiinom mag-isa. May mga lasing na pagewang-gewang kahit saan. May mga nagme-make out sa mga sulok at may mga tao ring gaya ko.
Nakaupo lang dito sa counter. Gustong mapag-isa.
"Hi, miss! Mukhang mag-isa ka ah! Will you allow me to company you?" Sabi ng isang manyak na bartender at saka kumindat pa. Yuck!
I gestured my hand, refusing his offer. Hindi ako pumunta dito para maghanap ng makakausap. I came here just because may nagsabing magpapakita daw ngayon si Benedict.
At saka, we must not talk to strangers, wika nga nila.
"Sungit mo naman, Miss..." He mumbled but enough for me to hear. Kahit malakas ang tunog ng music, hindi nakatakas sa pandinig ko ang sinabi niya. "Ikaw na nga 'tong nilalapitan. Ikaw pa 'tong nagsusungit."
"Excuse me?!" My forehead creased. If only I got some wine or any drink na pwede kong itapon dyan sa mukha niya, kanina pa magmumukhang basang-sisiw 'tong manyak na bartender na 'to!
Namataan siguro ng mga kasama niya ang pagkainis ko kaya may lumapit na lalaki sa amin. Naka-waitress attire siya at pilyong ngumisi sa aming dalawa.
"Rygon! Anong ginagawa mo sa napakagandang binibini na 'to?" Tanong ng lalaking waiter at saka kinindatan rin ako. Napairap ako sa kawalan. Men and their self-confidence.
"Nag-ooffer lang naman akong samahan siya, Criston.What's wrong with that?" Sagot naman ng lalaking manyak suot pa ring ngising manyak. Habang abala sa pag-uusap ang dalawa, kinuha ko ang pagkakataong iyon para unti-unting lumayo.
When I was able to get away from them, pumunta ako sa kabilang part ng bar na kung saan naroroon ang kumpol ng mga kasama ko.
"Craiz! Saan ka ba nagsususuot at kanina pa kita hinahanap!" Kiziane exclaimed nang ilang metro na lang ang layo ko sa kanila. Kasama niya ang iilan sa mga college classmates namin noon. Mga fangirls rin ni Benedict.
"Sorry. Galing akong counter." I told her at saka umupo sa parihabang sofa na kung saan nakaupo rin ang iba pa naming kasama. I glanced at my watch. Mag-aalas diyes na sa gabi pero hindi pa rin nagsa-start. Punyeta!
Umupo si Kiziane sa tabi ko, hawak-hawak ang cocktail na malamang galing dun sa counter.
"You know what? Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng lugar, dito pa napiling magpakita ng lalaking yun! This club is nothing but full of flirty fellows! Shet!" Nakabunsangot si Kiziane habang sinasabi niya sa'kin yan kaya napatawa ako.
"Na-encounter mo rin yung mukhang manyak na bartender dun no?"
Patuloy lang kami sa pakikipagkuwentuhan at panglalait sa bar na 'to. We went to different bars after we graduated dahil kahit saang gig ni Benedict, nanonood kami ni Kiziane. Pero natigil lang last year kasi may nangyaring trahedya.
Hindi pang-high class ang bar na 'to. Affordable ang lahat ng inumin na kahit baon ng isang Grade 7 student, kasyang-kasya ipanggastos. Hindi rin strict ang security nila na kahit minors basta matangkad at mukhang matanda na, nakakapasok. Ngayon yata ang opening nila kaya maraming tao.
Maraming lasing ang pagala-gala na hindi ko alam kung may pupuntahan ba o sadyang 'di lang nila alam kung saan papunta. May lumapit pa nga sa amin.