Dahil sa Slumbook ni Bestfriend by lovelySharian
"Bestfriend! Look, oh! Ang cute ng design no?" nakangiting tanong sa akin ng bestfriend kong si Ledejane, may hawak syang isang slumbook.
Tumawa naman ako. "Ano ka, Lede, elementary? Slumbook? Aanhin mo yan?"
Sumimangot naman sya sa sinabi ko. "Ito naman. Di lang naman to pang-elementary. Sige na. Sulat ka na."
"Ayoko nga. Pambata yan, eh." sabi ko naman sa kanya.
"Ewan ko sayo, Iva. Sa iba na nga lang." Tumalikod sya at lumapit dun sa iba pa naming kaklase. "Sino gusto magulat sa slumbook ko?"
Marami namang nagsitaasan ng kamay at excited pa sila, may mga lalaki pa ngang gusto, eh. Langya, pati DoTa Boys?! HAHAH Eh, kasi naman, portyir na kami eh may slumbook pa rin? Chosera.
Nagbasa na lang ulit ako ng last book ng Fifty Shades Trilogy ni E L James na Fifty Shades Freed. Eto na yung lat book kaya gusto ko ng tapuin HAHAH Sa nakakaalam ng kwento nito... itaas ang paa! Anong say nyo sa kwento nya?
"Uy, ano yan, Bryan?"
Napatingin naman ako dun sa bagong dating sa room namin. Kilalang kilala na kai sya ng istema ko, lalong lalo na... yung puso ko. At di nga ako nagkamali, si Raven nga. Lumapit sya dun sa barkada nyang nagsusulat sa slumbook.
"Slumbook ni Ledejane, Raven. Gusto mong magsulat?" sabi naman ni Bryan, yung barkada nya.
"Sige bah!" Tumingin sya kay Lede. "Jane, pasulat sa slumbook mo, ah?"
"*smiles* Okay. Sumunod ka na lang dyan kay Bryan." Pagkatapos, tumingin sya sa akin na parang sinasabing "Magusulat yung mahal mo sa slumbook ko. Hah! Ano ka ngayon?"
Sinimangutan ko naman sya at bumalik na lang sa pagbabasa. Pero di naman ako makaconcentrate kasi gusto kong mabasa yun >.<
*****
"Bat ganyan ka makatingin, Ledejane Aragon?"
Ngumiti lang sya sa akin ng makahulugan. Naano ba tong kaibigan ko? May sapi? Dahil ba sa slumbook? Speaking of...
"Oy bruha ka! Pabasa nga nung entry ni Raven sa slumbook mo." pagdedemand ko sa kanya.
"Ano ka? Pagkatapos mong sabihing elementary chuchu ang slumbook ko, hihiramin mo?"
"Eto naman! Parang di bestfriend. *simangot*"
"Bakit? Di ka nga sumulat eh kung tutuusin dapat ikaw mauna kasi bestfriend kita, di ba? Tapos ngayon, magdedemand ka?"
"Yung kay Raven lang naman."
"Di pwede yung kanya. Lam mo yung dedication part? Sinulat nya dun na secret lang yung nakalagay dun at saka... may inabi syang something sa akin na kelangan ng confidentiality."
Sumimangot na lang ako at nagcontinue ng pagbabasa. Uwian na namin pero we opted to stay muna sa room kasi maaga pa samin ang 5 p.m. LOL. Maaga pa raw.
"Naku, bestfriend. Kasi naman, eh. Kinausap ako ni Raven tapo yun nga. Haay... pero dahil alam ko namang mapagkakatiwalaan ka, papabasa ko na sayo."
Ayan! Nadaan sa tampo. Kinuha naman nya sa bag nya yung slumbook at hinanap yung part na sinulatan ni Raven. Itinigil ko na rin yung pagbabasa ko at itinago sa bag yung libro. Mamaya na si Christian Grey, crush ko lang naman sya eh. Si Raven Lopez muna, mahal ko yan, eh. Yay! Pagkabigay ni Lede nung slumbook, binasa ko agad.
BINABASA MO ANG
Dahil sa Slam Book ni Bestfriend (One Shot)
Short StoryPaano mo siya mas makikilala? Maaasahan diyan ang kaibigan niya.