Dark Truth (Oneshot)

24 4 0
                                    

Habang tinitigan ko ang kanyang duguang katawan na halos wala ng kulay, napaisip ako kung bakit... bakit kami humantong sa ganito ka masalimuot at nakakapanindig balahibong sitwasyon?!

Hindi ko lubos maisip na sa ganitong paraan kami magtatapos. Na hindi ko man lang nagawang iligtas ang kaisa-isang taong katuwang ko.

Labis ang sakit na nararamdaman ko hindi dahil sa mga saksak na natamo ko kundi mas nadurong ang puso ko dahil hindi ko man lang nagawang sagipin ang ka awa-awang katawan na nasa harapan ko.

Dahan-dahan kong hinawakan ang kanyang mukha na animoy inaalala ko ang masasayang pangyayari na natunghayan ko kasama siya.

"Makakangiti kana ba ulit?"

Sambit ko habang hawak ko ang kanyang pisngi.

"Na-aalala mo ba noong 2nd year high school tayo? Pumunta tayo sa guidance office at nagtago roon kasi pilit tayong hinahabol ng mga gustong magpablind date sa'tin" dahan-dahang sambit ko sa kanya habang namimilipit ako sa sakit ng mga sugat na natamo ko.

Ngumiti ako... ng mapait.

"Ang saya-saya natin noong mga panahong iyon. Mga panahong--- hindi pa tayo namulat sa marahas na mundo ng buhay" Napapikit ako ng may halong sakit sa naalalang kahapon na nagpahantong sa sitwasyon namin ngayon.

Hindi ko namalayan may umaagos nang luha sa mga mata ko. Luha ng hinagpis, poot at galit.

Tumingin ako sa mga kamay niya. Punong-puno ito ng dugo. Dugo na nanggaling mismo sa kanyang tiyan habang nakatakip ang kanyang kanang kamay dito. Parang kinatay ang kanyang laman sa rami ng dugong umaagos mula sa kanya. Tila ramdam ko rin ang hapdi nito.

"Pasensya ka na... hindi kita nagawang ...iligtas mula sa... kanila"

"Hindi ko man lang sila nagawang labanan."

Mahina ako!

"Patawarin mo ako dahil hindi ko man lang nagawang pigilan ang mga hayop na 'yon na... gahasain ka." Patuloy lang ang pag-agos ng aking luha habang sinasabi ko ito sa kanya.

"Wala akong nagawa kasi... natakot ako!"

Iyak nalang ang tanging nailabas ko noong mga panahong iyon. Sariwa pa sa alaala ko ang mga nangyari kahit na mag-iisang taon na mula ng mangyari ang trahedyang 'yon.

Habang pinagpipyestahan ng mga demonyong 'yon ang katawan mo iyak nalang at sigaw ang nagawa ko. Hindi ko nagawang humingi ng tulong dahil na rin sa takot na baka patayin nila tayo.

May dumating na mga rumorondang tanod kung saan nangyari ang kawalang hiyaan. Nakaligtas... tayo!

Pero... hindi pala dahil sa nailigtas tayo eh okay na tayo, magiging okay ka na.

"Ang pait lang ng buhay no? Ikaw pa 'yong naperwisyo, ikaw pa ang madedehado."

Nilaban natin sa korte ang kababoyan na nangyari pero sa kasamaang palad binaliktad nila ang estorya.

Tayo ang dehado.

Ikaw ang may kasalanan.

Hindi natin inakala na ang sarili mong ama ang nagkasala.

Ang tatay mo ang kinampihan.

Ang tatay mo na isang judge.

Ang tatay mo na maimpluwensyang tao.

Ang tatay mo na kinampihan ng nanay mo.

Ang tatay mo na pinainom ka ng droga at pinagmukha kang baliw sa harap ng maraming tao at binayaran lahat ang mga witness na pwedeng tumistigo para sa'yo.

"Huwag kang mag-alala. Hindi mo na sya makikita pa." Sambit ko sa kanya.

Hindi mo na makikita ang pagmumukha ng mga taong trumaydor sa'yo. Hindi mo na maririnig ang bawat panghuhusga ng mga taong walang alam tungkol sa buhay mo. Hindi na...

Kinuha ko ang kulay pulang kutsilyong natatakpan na ng dugo ang metal nito.

Pinunasan ko ito gamit ang kamay ko.

"Sinubukan naman kitang pasayahin diba? Sinubukan ko namang ibalik ka sa dating ikaw diba? Sinubukan ko naman pero sadyang nabalot kana talaga sa lungkot at sakit na nararamdaman mo."

Dahan-dahan kong itinaas ang kutsilyong hawak ng dalawang kamay ko.

Habang nakapikit inalala ko ang nangyari kaninang umaga.

Paggising na paggising, tinawag mo ako at pagpasok ko palang nakatambad na sa akin ang isang kitchen knife na marahil dali-dali mong kinuha sa kusina.

Nagtaka ako.

Kinakabahan.

"Maglaro tayo?" Sabi mo nang nakangiti. 'Yon ang ngiting nawala sa'yo.

"Truth or Dare! Tapos kada sagot eh isasaksak ito sa kahit saang parte ng katawan. Game?" Nakakakilabot na laro pero wala akong ibang nasabi kundi... "Game!"

Marahil nga ito ang goal ng game na inumpisahan mo. Para makatakas kana sa madilim na mundong ito. Gaya nga ng sinabi mo... "Gusto ko ikaw ang huling taong makakasama ko at magbibigay ng katahimikan sa buhay ko." Ngumiti ka ulit. Ngiting namimiss ko.

***

"Sasaya ka naba ulit, Abby."

"Hindi ka na ba masasaktan ng kahit sino man?"

"Hindi ka na ba iiyak?"

Kung ganon.

Inihanda ko na ang sarili ko at handa ng isaksak ang kutsilyong nasa kamay ko sa puso niya.

"Matulog kana at maging malaya, Abby!"

*Tugsh*

Sa huling pagkakataon sarili ko lamang ang tangi kong nakita mula sa repleksyon ng salamin na nasa harapan ko habang unti-unting pumipikit ang talukap ng mga mata ko.

Iyon na ang huling sakit na mararamdaman mo Abby.

Iyon na ang huling sakit...

...na naramdaman ko bago tuluyang pumikit ang mga mata ko at tumigil ang tibok ng puso ko.

Sa huli, sarili ko lamang ang kinapitan ko.

At sa huli, sarili ko narin ang bumitaw sa sarili ko.

***

(Huwag po itong gagayahin. Be a light to everyone. Don't make judgement easily especially if you don't know someone's pain rather give them hope to continue living. Thanks!:))

Follow, vote and leave a comment:)

Note: THIS IS PURELY A WORK OF FICTION. ANY RESEMBLANCE TO HAPPENINGS, PLACES AND PEOPLE, LIVING OR DEAD ARE JUST COINCIDENTAL.

Sorry for the grammatical and spelling errors. This is unedited.

Enjoy !

@aeriielle

(c)2018

Dark Truth (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon