Drawing Plan

2 1 0
                                    

Dear Aris Rain

Hi ! ako nga pala yung iniwan mo 😂, haha nakakatawa no?, yung relasyon natin dati kala mong perfect, kala mong di matatapos, halos lahat ng plano nating gala noon, nakukulayan, di lang basta drawing 😂😂, nakakatawa kase game na game tayo parehas non sa trip ng bawat isa. Masaya tayo......noon.

Naalala ko non, nagluto ka ng pancit canton, habang nakain tinanong moko kung ilang anak ako gusto ko ang sabi ko " isa lang, yung gwapo, tapos pa aartistahin ko sya ".. Ang sabi mo naman mga 30, para may fans club na 😂,  tapos nag tanong ka pa ng ilang bagay, kung ilang kwarto ng bahay ang gusto ko, kung may pool, ilang kotse, anong mga lugar ang gusto kong puntahan at marami pang iba na tila binabigyan moko ng imahinasyon  sa posibleng future natin dalwa, kumapit ako sa mga plano natin 😊😅😢, ang saya non , kase nakikita mo pala ko na kasama sa future mo.

Diba pupunta pa tayong, tagaytay, bohol, palawan.. At sa grand destination natin, batanes 😂😂, sabi mo "kaya naman yan e, Ipon lang", may 6 liters galoon nga tayo na tuwing nagkakapera ay naghuhulog tayo ng malaki-laki para lang di madrawing ang mga plano natin hahaha, siguro tinatamad kana kase panay nakaraan ang kinukwento ko, sorry na, naalala ko lang yung mga panahon na masaya pa tayong nagpaplano 😂, 4 years kaya kitang kasama bumuo ng escape plan.

Pero di pala lahat naayos, di lahat naibabalik, at di lahat minamahal ulit 😂😂, January 18 2018, tumawag ka sakin, nagkita tayo, at sinabi mo ang magic workd na "AYOKO NA", lupit nung magic word mo, kayang magpaguho ng isang mundo. Sabi mo nahihirapan kang isabay yung pagtatrabaho mo sa relasyon natin. Sempre di ako agad pumayag, 4 years yon, 4 Years!... Ang sabi ko," baka na isstress ka lang ngayon sa trabaho mo, palamig ka muna, and if you need space i give more space" kahit sobrang luwag ko na nga sayo non, .. Sa sobrang luwag ko na nga sayo noon di ko na namalayang nagpaplano ka na pala kasama ng iba 😂😂, nung isusurprise sana kita, kase kala ko nga stress ka sa work, diba?.. Nakita kita at alam kong nakita mo rin ako, nagtago pa kayo sa Starbucks, e alam ko naman wala kayong pang starbucks 😂😂, .. Umalis na lang ako, im not a kind person sa sugod agad, i need more evidence, at na confirm ko nga sa friend ko na ka work mo  na may something nga kayo nong kasama mo sa starbucks... Dun na yung tinanong kita, and thank god, di ka nag deny 😂😂  no more word left, wala na kong ibang itatanong, ok na ko.
Tumayo ako at nag-work out, at naconfirn ko na wala na talaga ng di moko hinabol, dumaan ang araw, buwan ang  iyak bata ko , yung tipong sigaw na iyak hahaha

Pero Thank you din dahil after ilang months nung nagkahiwalay tayo, natututo na ko mag planong mag-isa, enjoy din pala😊.. Yung ipon nga pala sa galoon, di ko pa ginagalaw,  pero dahil ikaw naman ang nanakit, akin na yung share mo don, ...Thank you for the great expirience, alam kong minahal moko ng sobra, pero ganon siguro talaga no ?pagtumatagal may mga bagay na lumalabo at nawawala 😊, pero kung maisipan mong bumalik, wag na siguro, medyo ok na ko e, kinakaya ko nang kulayan mag isa ang mga bagay na sabay natin pinalano.and... Itutuloy ko nga pala ang batanes, kahit di ka kasama.

PS: wag kana bumalik ha, naeexplore ko na kase ang tunay na mundo ngayon.. Dati kase ikaw ang mundo ko kaya di ko napapasin ang ganda ng earth hahaha, NOW I SEE IT CAREFULLY 😊, AND FEEL SO FREE 😊😀

From PAST WHAHA

By. President D

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dear JoneyWhere stories live. Discover now