Chapter One:Part 2

18 0 0
                                    

Buhay nila ni Kath. Maaga silang nangulila sa mga magulanh nila na sobra silang minahal. Kaya ngayon nabubuhay sila ng simple at kailngan pang paghirapan ang bawat kakainin nila, kahit sa murang edad pa lang ay natutunan na niyang magtrabaho para mabuhay silang magkapatid. Dahil ang kayamanan na iniwan sa kanila ng mga magulang nila ay kinamkam nang kapatid ng kanyang ama sa labas. Dahil mga bata pa sila kaya hindi pa nila makuha ang mana nilang magkapatid. Buti na nga lang mayroon siyang nakuha na malaking halaga na sapat na sa pag-aaral nila ni Kath hanggang sa matapo nila ang college.

Natigil siya sa pagmumuni-muni nang gulatin siya ni Kath.

"Ang lalim nang iniisip mo ahh, di ko mahukay." sabi nito habang sumasandok ng sinangag.

Nilagyan na rin niya ng pagkain ang pinggan niya.

Tahimik niyang tiningnan ang bunso niyang kapatid na malapit ng mag-debut.

"Kuya, matutunaw ako sa lagkit ng titig mo."

Kinurot niya ang pisnge nito.

"Malapit ka nang maging ganap na dalaga."Nakangiting sabi niya.

Lumayo Ka Man Sa Akin (Denlou or Ricklou) or (Kathniel or Kathquen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon