Una Kong Kaibigan
Hawak-hawak ko siya
habang nakadungaw sa kanya
naghihintay sa bawat sasabihin
at sa akin isasalamin
siya ang naging tambayan
nung mga panahong walang kaibigan
siya ang naging sandalan
nung mga panahong walang masabihan
taguan ng aking mga sekreto
ngunit bulgaran pa rin ng aking kwento
salamat aking mga kaibigan
ikaw ballpen at papel na aking
mapagkakatiwalaan.
YOU ARE READING
Don't Mind It In The Form Of Art
PoetryCan I tell you something? But promise me not to tell which is which