123

12 1 0
                                    

123

Una, una kitang minahal kaya huli ko nang nalaman
Nalaman na ako pala'y bigla-bigla mong iiwan
Iiwan mga salitang hinding-hindi ko maintindihan
Maintindihan kung paano mo nakayang ako'y iwanan.

Pangalawang beses, pangalawang beses naman kitang pinatawad
Pinatawad kita dahil mahal kita ganun ka sagad
Sagad, oo sagad na sagad ngunit sa kasamaang palad
Palad mo parin ang bumitaw kahit anong pagpapatawad

Tatlo, tatlong taon akong nagtiis
Nagtiis sa mga ginagawa mong pagmamalabis
Pagmamalabis yun, dahil ginawa ko na't lahat wag ka lang umalis
Umalis ka pa rin at ako'y iniwang naghihinagpis

Don't Mind It In The Form Of ArtWhere stories live. Discover now