Naiiyak ako..
I was walking down the aisle..
Then I saw him...
Smiling at me ...
Dugdugdugdugdug
That face. That smile. That eyes. That lips.
I'm so nervous..
I love you, so much.
****Flashback
Palakad na ko papunta sa next class ko, ang Psychology.
Ng may umagaw ng atensyon ko.
Isang lalaki. Matangkad at maputi, hindi ko maitatangging may itsura ito.
At mukhang matalino ito.
Sumabay ito sa paglakad ko ngunit may ilang agwat ang layo ko dito. Nauna siya.
At kinagulat kong pumasok na ito sa silid.
Sa silid na kung saan ang klase ko.
Ako si Mae. 4th year college. Psychology ang course ko sa isang Catholic University.
Umupo na ako sa aking upuan. Bakit kaya ngayon lang kita napansin kung kaklase talaga kita? Nakapagtataka.
Nakatingin lang ako dito, wala naman akong interes sa lahat ng lalaki. Pero sa kanya? Iba. Ibang iba. Parang sarap nyang titigan, hindi siya katulad ng ibang lalaking pagaaksayahan mo ng oras kakatitig sa kanila, sa kanya IBA.
Napatingin ito sa may gawing banda ko.
*Dugdugdugdugdug*
Palapit ito ng palapit ..,
Ni minsan wala pa kong minahal, maliban na lang sa mga magulang ko at ang mga kaibigan ko. At lalo na ang mga alaga kong aso. Pero bat ganto? First time kong kabahan ng ganto. Ang bilis ng tibok ng puso ko habang palapit ito.
At nagulat ako dahil umupo ito sa likod ko...
"Mike!" sigaw ng kaklase ko.
Napatingin ito at ningitian ang kaklase ko. Ang gwapo niya talaga.
Mike pala pangalan mo. Ngayon alam ko na.
*
Buong klase akong lutang, kakaisip sa Mike na yun, eto na ba yung Love at first sight? Crush? Love? Bigla akong umiling, hindi pede to. Hinding hindi.
Pero naisip ko, wala namang masama magmahal ng palihim diba?
Aba! Mahal agad? O sige na.. Crush muna..
*
Pauwe na sana ako. Dahil hindi ko naman nakasabay mga kaibigan ko dahil, ayaw ata nila akong kasabay.
Palakad na ko at kinukuha ko ang wallet ko sa bulsa ko pero ...
Wala ito.
Tinignan ko sa bag ko, pero wala din.
At saka ko nalaman na,
Na kay Sandy pala ang wallet ko dahil pinahawak ko ito nung nagcr ako.
Naiiyak na ko.
Wala akong kakilala na mahingan kahit sampung piso lang.
Wala na sila lahat,
Kaya napaupo ako sa bench na malapit sa foot ball court...
Umiiyak..
Paano ako uuwe?
Lowbatt pa naman cellphone ko.