I.

436 13 7
                                        


"Good Afternoon, Zelle!" nakangiting bati sakin ni Kuya Anton pagkapasok ko sa loob ng cafe. Ngumiti ako pabalik sa kanya at pumunta sa likod ng counter. Kuya Anton is a barista here, and I am too. Part-time. We're working at Seraphim Cafe.


"Where's Ate Sera?" tanong ko habang sinusuot ang apron ko. Nagkibit balikat lamang si Kuya Anton at nagpatuloy sa paggawa ng kape. Ate Sera is the owner of the cafe and she's very kind-hearted. 


Narinig ko ang bell ng cafe kaya tumayo na ako likod ng cashier at ngumiti ng pilit. It's them again, Pauline and her friends. Nakataas ang kilay na nakatingin ito sakin habang naglalakad palapit. 


"Good Afternoon, what's your order?" nakangiting tanong ko dito. Masama itong nakatingin sa akin pero ng tumangin sa likod ko at biglang umamo ang mukha. She's always here because she really likes Kuya Anton. Kaya halos araw-araw silang pumu-punta dito para masilayan lang si Kuya Anton. 


Well, Kuya Anton is attractive, makisig at moreno. But don't get me wrong, I only like him as a kuya. He always helps me with stuff. Kung tutuusin nga mukhang hindi bagay sa kanya mag-trabaho dito. He looks rich.


"Oh look, hi there Zelle the slut," asar na sabi ni Camille, one of Pauline's friend. She hates me. I don't know why but I'm actually hated by every girl in school. 


"May problema ba dito?" napatayo ako ng maayos ng marinig ko ang boses ni Kuya Anton sa likod ko. Nakita ko ang panlaki ng mata ni Pauline tapos ay namula pa ito. I never thought Kuya Anton affects her like that. She's whipped. 


"W-Wala naman po, right, Zelle?" I forced myself not to laugh ng pinanlakihan niya ako ng mata. Wow, she's really going for it. 


"She's right. I'm just taking their orders, Kuya Anton. So what are your orders?" tanong ko muli at ngumiti ulit. Sinabi naman nila ang orders nila at umupo sa di kalayuan na mga upuan. Masamang nakatingin pa din sakin si Pauline pati na din mga kaibigan niya. 


If she likes Kuya Anton, she should just confess. Wala naman siyang mapapala kung patuloy niya lang itong titingnan sa malayo. She's just wasting her time waiting for her to be noticed by someone who will never noticed her. She wants to be noticed? Then she needs to do something about it. Love is frustrating



"You going home?" tanong ni Kuya Anton, tumango naman ako bilang sagot. Me and Kuya Anton usually closes the cafe, kami kasi ang nasa last shift. 


"Let me walk you home," ito din siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit galit sakin si Pauline. After our shifts, Kuya Anton would walk me home, because I've encountered a lot of stalkers. One time, someone tried to kidnap me habang naglalakad ako pauwi. Mabuti na lang at dumating bigla si Kuya Anton.


"I'm sorry for always troubling you like this. Kaysa umuwi ka na at magpahinga, kailangan mo pa akong ihatid pauwi," nahihiya na talaga ako kay Kuya Anton. He chuckled.


"You don't need to worry, mahalaga ay ligtas ka. Baka magwala sa galit si Boss kapag may nangyari pa sa'yong masama," natatawang sabi niya. Napakunot ang noo ko, by Boss does he mean Ate Sera? Bakit naman siya magwawa sa galit?


"He wants you safe all the time, Zelle,"


"He?" takang tanong ko. He? Lalaki? May iba pa ba kaming boss maliban kay Ate Sera? Napatigil siya sa paglalakad kaya tumigil din ako.


"D-Did I said he? I meant she. Hahahaha," he nervously said na lalong ipinagtaka ko. He's obviously lying. Agad itong naglakad kaya sumunod ako.


Hindi na kami nag-usap hanggang sa makauwi na ako samin. He seems nervous, mukhang may nasabi siya na hindi ko dapat marinig. Now I'm curious.


"Thank you again, Kuya Anton," ginulo niya ang buhok ko kaya napangiti ako. 


"Just be safe and lock your doors properly, okay?" nakangiting tumango ako at pumasok na sa loob. I live in a tiny house, malaki siya sa isang tao lang. I live alone because I want to. 




"Did she got home safely?" tanong ng isang binata sa taong kapapasok lamang ng opisina. Yumuko ito bilang paggalang. 


"Yes, boss. However, I think some of her schoolmates are troubling her," nagtiim bagang ang binata sa sinabi nito. 


"Names?" may inabot itong envelope na naglalaman ng mga pangalan ng nangugulo sa babaeng mahal niya. 


"I'll handle this. You can go, Anton," kinalibutan ito ng marinig ang sinabi nito. Naiiling na lamang na lumabas si Anton sa office ng boss niya at mahinang ipinag-dasal ang kaluluwa ng mga babaeng 'yon. Kalabanin na nila ang lahat 'wag lang ang Reyna 'nya




"UGH! Di ako makatulog!" inis kong binato ang unan na hawak ko at nagpaikot-ikot sa kama. Ramdam ng katawan ko ang pagod pero yung utak ko parang naka-inom ng madaming kape dahil hindi mapakali. 


Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Kuya Anton. Alam kong "he" ang sabi niya, at alam kong hindi niya sinasadyang sabihin 'yon dahil naramdaman ko ang pagka-bahala niya. 


Bumangon na ako't bumuntong hininga. Napakagat ako ng labi dahil sa naiisip kong gawin. What if I did that thing again? Will I get trouble for it? Tumayo ako at lumapit sa bintana, hinawi ko ng konti ang kurtina at sumilip pa-sikreto sa labas. Andito na naman. 


For months, alam kong may sumusunod sakin. Palaging may nakasunod na sasakyan sa likod ko, minsan pa-iba-ba pa ng sasakyan pero alam kong iisang tao lang ang nasa likod 'non. I need to know who's behind my shadows without them knowing it. 


And I have this gut feeling that Kuya Anton is somehow related to this person. 


I sighed. Ano kayang pwedeng gawin para malaman kung sino 'sya? Does he know me? What does he want?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Beauty and the ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon