Prologue

8 0 0
                                    

Prologue

“Hoy, Tina. Anong tinatanga-tanga mo diyan? Aalis na tayo!” Nagulat ako nang marinig ang sigaw ni mama mula sa pintuan. Mabilis na nilingon ko siya habang sumusulyap sa hawak na selpon.

“Ito na, sandali lang ma. Ka-chat ko pa si Morana.” Sagot ko kay mama, at totoo namang ka-chat ko pa ang bestfriend kong si Morana.

“Ay! Dalian mo diyan, naghihintay 'yong driver sa baba.” Nagmamadaling sabi ni mama at nauna nang umalis ng kwarto.

Muli ulit akong tumingin sa selpon nang tumunog ito at makatanggap ng isang mensahe mula sa bestfriend ko.

7:43 AM

'Ingat sa biyahe, susunod ako kung pwede. Hihihi!'

Nangiti ako at saka nagreply ng 'okay' bago itinapon ang selpon sa bag na bukas. Mabilis na sinarado ko 'yun at isinabit sa likod ko.

Tuwid na tumayo ako sa harapan ng kama at saka pinalibot ang paningin sa buong kwarto. Nakangiti at kontento akong lumakad papunta sa harapan ng salamin.

Pinagmasdan ko ang muka ko, mas lalong nangiti nang maging kontento sa ayos ng itsura.

Pero nahinto lamang ako nang masulyapan ko ang repleksyon niya mula sa likuran ko. Malaki ang ngiti niya at nakalabas ang maliliit na mga ngipin nito. Maayos na nakatali ang buhok niya at nakaputi siya ng damit.

Sandali akong natulala at iniwas ang paningin. Pakunwari akong tinapik-tapik ang malinis kong damit at saka mahina na napabuntong hininga bago dumiretso ng lakad papunta sa pintuan.

Ngunit napatigil ako nang maramdaman ang malamig na hangin sa kamay ko at mabilis na nanigas ang katawan.

“San ka pupunta?” gamit ang cute at makulit na boses ay nagtanong siya. Pero hindi ko ulit siya pinansin at padabog na isinarado ang pintuan ng kwarto.

Kumaripas ako ng takbo palabas ng bahay at sinulyapan muli ang direksyon ng pintuang nilabasan. Doon ay nakatayo siya habang winawagayway ang maliliit nitong mga kamay, katabi niya ang kapitbahay namin na magbabantay sa bahay habang wala kami.

“Tina, anong hinihintay mo? Sakay na at iiwan kita rito.” Nagmamadaling sabi ni mama na nakasakay na sa loob ng sasakyan at prenteng nakaupo. Una kong ipinasok ang bag bago sumakay at malakas na isinirado ang pinto. “Ano ba? Magdahan-dahan kang bata ka.” Naiinis na sita ni mama sa'kin bago niya ibinaling ang atensyon sa katabing driver.

Hindi ko siya pinansin at tumingin ulit sa direksyon ng pintuan. Nanindig ang balahibo ko nang mas lalong lumawak ang ngiti ng batang babae.

Nang umandar ang sasakyan ay patuloy ko parin siyang pinagmasdan mula sa malayo at hindi mapakali sa kinauupuan.

Ngayon lang nag-rehistro sa'kin ang itsura niya mula pa kanina. Naramdaman ko ulit ang malamig na hangin sa batok ko na para bang may humahawak dito.

Ang maliliit na mga kamay at bali-baling mga daliri habang kumakaway sa direksyon ko, ang puting damit na namantsahan ng dugo. At ang labi niyang malawak na nakangiti habang wakwak ang pisngi, duguang muka at nawawalang mga mata.

Ibinuka niya ang bibig, “bye, bye,” ang sabi niya bago sinamahan ng nakakakilabot na tawa.

-----

©CHAINEDWORDS



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

IncubusWhere stories live. Discover now