~^*^~
"Sana ako nalang...." yan ang palaging linya ko sa twing nakikita ko syang may kasamang iba, kaaway man ang turing nya sakin, mahal ko naman sya. Hindi nya lang alam, pero sana ako nalang talaga.
Recess ngayon at siksikan sa Public Canteen ng school. Nakipagsiksikan ako para makabili lang ng snack, pero siningitan nya ako, palagi nalang syang ganyan nakikipag kompetensya sakin. Sa lahat ng bagay.
Bakit ba kaaway ang turing mo sa akin Kevin?
Wala naman akong inaagaw sayo. Gusto ko lang naman kitang maging akin. Kaso nandyan sya.
Nganga na naman ako. Naunahan nya na kasi akong bumili. Sinundan ko naman sya ng tingin, papunta sa table nilang dalawa ng bruhang babaeng yun. Sya si Era, ako naman si Ara. Magkatunog ang pangalan namin diba?, Sa kasamaang palad, ka kambal ko kasi sya.
Bakit ba kasi, Kapatid ko pa ang palagi mong kasama. Magkamukha naman kami.
Pwede ako nalang?
BINABASA MO ANG
Sana ako Nalang
Short StorySana ako nalang ang magmamahal sayo ng sobra sobra pa sa inaakala mo.