Short Story

55 3 5
                                    


Sabi nila, " A friendship between a guy and a girl is almost impossible, cause there will always be someone who will fall and would ruin that so called FRIENDSHIP".

And unfortunately, sa istoryang ito ako ang nakasira.....

***************

"Hoy CR! Umaga na uyyy~~"

Ughhh! Gagu yun ahh, istorbohin daw ba ako! Anong oras na ba?!

"Luh 8:30 na?!" bangon ko at nagmamadaling kumuha ng damit. Dios mio! First day namin ngayon at malelate pa yata ako. Mag mumukha akong bad student! Andwae~

"Walangya ka bat di mo ko ginising! Malelate ako neto! Jusko, Brandon!" sigaw ko, habang nag aayus na ng uniporme ko. Humalakhak siya kaya dinungaw ko sa may bintana at ayun ang gago bihis na at ako nalang yata ang hinihintay.

And yes! Magkatapat lang ang kwarto namin yung bang parang daan nalang pagitan naming dalawa. Kaya hindi mahirap na mag-usap kami, sigawan lang ayus na !

"Bilis na sakay! Pati ako nadadamay sa kabagalan mo eh." iritado niyang sabi habang hinihintay akong makasakay sa bike niya. Ngumuso nalang ako dahil kasalanan ko din naman at mabilis ng umangkas sa kanya.

Araw araw ganito lagi eksena naming dalawa kung hindi nagsisigawan nag aasaran at syempre laging ako ang pikon. Pikon ako eh ano ba?! Kung nagtataka kayo kung bat ganto kami ka close, well halos 10 years na rin kasi kaming magkakilala. Magkababata ika nga. Pero kahit ganyan yang mokong na yan mahal ko yan hindi nga lang romantically cause I know that would only ruin the friendship I treasure the most. Yun nalang pinanghahawakan ko eh. Iwawala ko pa ba?

Oo mahal ko siya sobra, yun nga lang hindi niya alam. Manhid din kasi yan eh sarap ingudngod sa asido para maramdaman niya naman kahit konti yung sakit na nararamdaman ko.

"Babe!" I sighed, it's a one sided love indeed...

"Ciera hindi ako sasabay sayo mamaya ahh? May gagawin pa kami ni Arielle eh." ani Brandon

"Sige lang, huwag ka lang talaga papabuntis! Naku naku!" halakhak ko bago tinignan ng nakangiti si Arielle. Napansin ko pang pumula ang kanyang mga pisngi.

"Di ko alam sayo Arielle bat mo pinag tyatyagaan yang si Brandon, e ni wala nga sa kalingkingan yan ni Jungkook bebe ko eh!" iling ko at kumaway na sa kanila upang pumasok ng paaralan.

"Kapal mo uyy! La kang pag-asa dun! Ni hindi ka nga kilala, ang mahalin kapa kaya? In your dreams!" tawa niya at ngumisi pa.

How ironic, ikaw kilala ako pero bakit hindi mo ako kayang mahalin? Minsan naiisip ko, pano kaya kung hindi tayo nagstart as a friend would you love me too? The way I secretly love you....

****

Mabilis lang ang naging takbo ng panahon at ngayon ay isang buwan nalang at gagraduate na kami. Syempre malungkot, weird diba sinong tanga ang malulungkot kung magtatapos ka ng high school with honors lalu na kung valedictorian pa.

"Ciera, kailan recognition niyo?" ani Mama.

"Malapit na din po Ma, April 4?" sagot ko, 3 weeks nalang din kasi at gagraduate na ko. Baka paghahandaan na namin kaya natanong niya.

"Lapit na din ahh. Sige, sasabihin ko sa Papa mo para maschedule na din niya yung pag alis natin after ng graduation mo." sagot ni Mama na ngayon ay patapos na sa kanyang pagkain.

"P-po ? Aalis?" nauutal kong sabi. Alam ko na to simula palang, si Papa nasa France nagtatrabaho para samin. At mukhang naayus na lahat ng papeles para makapunta rin kami doon.

"Oo,okay na lahat. Hindi ba ay Fashion ang kukuhanin mong kurso sa kolehiyo? Ayus yon at doon ka nalamang mag-aral." ani Mama at mataman akong tinitigan.

"Opo ma, pero hindi ba masyadong mahal kung doon pa ako mag-aaral kung pupwede naman dito?". It's an excuse.

Ang totoo ay hindi ko kaya ang malayo kay Brandon. Buong buhay ko siya tong lagi kong nakakasama. Paano ako mabubuhay kung iiwan ko siya dito? Ang sakit lang kasi wala akong magawa...

****

Natapos na lahat lahat ay hindi ko pa rin nasasabi kay Brandon na aalis ako. Hindi ko masabi kasi nasasaktan akong malaman na ayus lang sa kanya. Kasi kaibigan lang naman ang turing niya sakin.

Nakaupo ako ngayon at hinihintay nalamang ang pagtawag sa aming pag alis.

Last na din na naman ito kaya ayus lang siguro na umamin ako sakanya. Aalis akong walang pagsisisihan. Kakalimutan ko ang lahat, pati ang pagmamahal ko sa kanya na kahit kailan ay hindi niya naramdaman.

To: Best Friend

Hoy Brandon gising! Langya ka nakaalis na lang ako tulog ka pa rin?! Sorry ahh hindi ko nasabi sayo, ayoko kasing masaktan eh. Baliw lang diba ? Bat ako masasaktan kung ikaw naman yung iiwan ko? Brandon, mahal kita hindi ko alam kung pano nagstart, isang araw nalaman ko nalang yung puso ko nasayo na gagu ka di mo binalik! Pero sige sayo na souvenir! Ahah. Pangit ka naman, mayabang, mapang-asar, ni wala nga yata akong masasabing positive sayo ehh. Pero la eh, ikaw minahal ko. Kaso yun nga lang may mahal kang iba. O sya sige na ikaw na kasi mapagmahal!

To my best friend, my kababata and, of course my first love, I love you sobra. Kahit na nasaktan mo ko ng sobra sobra (syempre kahit di mo alam kasi tanga ako) thank you and sorry pa din. Thank you kasi dahil sayo nagkaron ako ng bestfriend instant kapatid diba? Dahil sayo nalaman ko pano magmahal and at the same time kung pano masaktan. Uyy nagsisisi na yan! Charotttt huwag ka ayy, wag na wag mo sisisihin ang sarili mo kasi kasalanan ko. Nagpakatanga ako! Tawa kana! Ahaha. Oo na sige na, mag sosorry na rin ako kasi hindi ako nag paalam sayo ng maayus. Jusko! Wala yata akong ginawang matino habang magkasama tayo. Bestfriend mo ba talaga ako? If ever man na nasaktan kita sa pag alis ko sorry mahina ako eh. Hindi ko yata kayang nakikita kang nasasaktan ng dahil sakin. Pero if ever lang naman yun. Ahah.

Thank you, sorry and, I love you My one and only Brandon Salazar.

Sana wag mong kalimutan na may isang Ciera Raven Elejedo na naging parte ng buhay mo. Please, please just remember that!

P.S.
        Hoyyy! Babawiin ko pa yang puso ko langya ka! Wag mo iwala. Kukunin ko pag ready ko ng ibigay sa iba. Papatayin talaga kita pag yan di mo inalagaan!

Your message has been sent! ✔️

I sighed, I guess thats it. Goodbye, Brandon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TextsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon