(Fate's POV)
Naglalakad ako sa kalsadang parang walang dulo, hindi ko na alam kung saan pupunta at wala na akong alam puntahan lahat ng nasa paligid ko ay tila hindi ako nakikita.
Patuloy lang akong naglalakad nagpapadala lang ako sa aking mga paa kung saan ako nito dadalhin.
Hanggang sa nakita ko ang aking batang sarili na nasa harap ng dalawang taong pinakamamahal kong nakahiga, walang malay at naliligo na sa sari-sarili nilang dugong nagkalat na sa buong sala.
Habang ang aking batang sarili naman ay patuloy na humahagulgul sa harap ng kaniyang ama't ina.
Bahagya akong napabalikwas at napabangon mula sa kama hindi ko mapigil ang mga luhang dumadaloy sa aking mga mata at ang mabilis na tibok ng aking puso.
"Napanaginipan ko na naman" bulong ko habang patuloy parin sa pag iyak.
Napatingin ako sa aking gilid at nakita kong alas kwatro y medya na pala ng umaga. Bumangon na ako at nagligpit ng hinigaan ko sabay ngiti.
" Ganyan nga Fate ngiti lang " at mas lalo ko pang linawakan ang aking ngiti...
" Sabi nga sa commercial na 'quaker' start your day right and I'm starting my day with a big smile on my lips. Kahit alam ko na peke lang ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Broken Strings
Non-FictionA story of hope, love, forgiveness and letting go. Not your typical love stories that almost perfect, this story will show the real power of LOVE. Things that can change when it comes to love.