3

33 2 0
                                    

---

EUNICK

Tahimik lang ang buong room nang pumasok ang 6 na lalaki na nakabukas ang mga butones ng uniporme at may mga nakapaloob na itim na t-shirt sa bukas na polo nila.Parang mga siga

tumango ung parang lider sa teacher at naghanap na ng mauupuan sa pinaka likod.

Umingay sa room"Uy,diba nililigawan dati ni Ken si Lilah? alam mo nagwala raw yan sa libing ni Lilah-Oo-As in siyempre sino ba namang di magwawala kung ang nililigawan at gusto mo ay nag-bigti tsk tsk tsk".....

"Ay sigurado may problema kaya talaga nagbigti no?".....

Nanliligaw siya kay Lilah dati?Isa si Ken sa mga pumasok na lalaki kanina.Umiikot ang utak ko sa dami kong iniisip.Sa pagbibigti ni Lilah at kay Mr.Valez.Kalat na kalat na ang pagkamatay ng dalawa.Iniisip ko si Lilah--siya ang una kong kaibigan at..hindi ko matanggap na wala na siya.Siya lang ang nagparamdam sakin ng pagmamahal na para sa isang kaibigan.Sa sandaling panahon ay napamahal na siya saakin.Para ko na siyang kapatid na babae.Hindi ko alam kung ano ang dahilan at bakit siya nagbigti dahil wala naman siyang sinasabi sakin na problema.At kay Mr.Valez isa siyang mabait at respetadong teacher.Bakit ganoon ang sinapit niya? Pinatay siya na parang hayop!Halang ang kaluluwa ng taong pumatay sa kanya.Bakit may nabubuhay pang ganoong klase ng tao.Mamamatay.Nitong nakakaraang linggo ay nakakaramdam ako ng stress.Si Lilah wala na.

Ipinaksi ko ang mga nasa isip ko at pilit na nakinig sa teacher.Hindi ako lumingon pero alam kong may tumabi sa akin.Rinig na rinig ko ang maingay na tunog ng ballpen na ipinupukpok niya sa desk.Nairita ako.Ayoko sa maingay.Dumadagdag pa siya sa iniisip ko.

sa sobrang irita ko ay lumingon ako at bumulong sa kanya"Will you please stop that!"

ngumisi siya at lumapit sakin at bumulong sa tenga ko"Stop what?"ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga sa tenga ko.Nairita ako lalo kaya hindi ko na lang siya pinansin at nakinig nalang ulit sa teacher.

Naramdaman ko ang malalalim niyang titig.Parang tagos hanggang kaloob looban ng kaluluwa ko-kinikilala at sinusuri ako.

Guwapo siya at matured ang mukha sa hula ko ay di hamak na mas matanda siya samin.Agad ko namang naisip na baka repeater kaya matured na ang ichura.

Ramdam ko talaga ang mga titig niya at balak ko na siyang sitahin.I opened my mouth to speak but to my surprise hindi naman siya nakatingin.Umismid ako

Napapahiyang nagbalik ako ng tingin.May pakiramdam ako at ramdam ko talagang nakatingin siya.Tss imposible naman baka nagbawi siya ng tingin nang naramdaman niya na titingin ako.

Lumipas ang isang oras at tapos na ang klase saktong 5 ang uwi ko.

Naglalakad na ako sa hall ng may biglang mga brasong pumalupot sa bewang ko.Napaigtad ako sa gulat.

Ang nakangising mukha ng lalaking nakakairita kanina ang nakita ko.Humarang pa

Anong kailangan ng ugok na 'to?

Tinanggal ko mga kamay niya at hinarap siya"What?"kahit na inis na inis na ako nagsalita parin ako

"Hatin na kita baby"He said

kelan pa ko naging bata?

May topak ata ang lalaking ito

Di ko siya pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad.Naglalakad na ako pero naiiling parin ako sa katopakan ng lalaking iyon.Lakas maka FC eh.

~~~

#AGWASH

Night shiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon