Masasabi mo bang katangahan ang mahalin ko ang taong walang ibang ginawa kundi ang saktan ako, pahiyain ako, gawing punching bag ang katawan ko, itulak ako sa hagdan, ilubog ako sa swimming pool, itago ang damit ko kaya naiwan ako sa CR nang hubot hubad, at ipagkalat na bakla ako. Masasabi mo bang katangahan ito kung sa lahat ng ginagawa niya sakin ay mas lalo ko siyang minamahal?