Seven

77 22 11
                                    

"Boss una na kami." Nagpaalam na ung dalawang kumag na kasama ni kuyang upper year... Nainip ata sa paglalakad namin.

Naglalakad lang kaming dalawa at mukhang malayo na kami sa school. Mukhang sasali ata kami ng alay lakad sa layo na ng naabot namin. Hindi ata uso kay kuya ang kotse at jeep...

Masakit na ang paa ko pero hindi ako nagreklamo baka kasi end of the world ko na kung sakaling pumalag ako.

Napahinto kami ng makarating kami sa isang parke. Hindi ko alam kung bat kami doon huminto. Tumingin si kuya sa may playground at nagtungo. Sinundan ko lang siya. Ewan pero mukha akong buntot sa ginagawa ko sa pagsunod sa kanya.

Umupo siya sa may swing. Ako naman nakatayo lang. Hinihintay ko na pauwiin na niya  ako. Pero sumenyas lang ung ulo niya  at tumingin sakin ng umupo-ka-sa-swing-look. Dali dali akong umupo sa may duyan. Tumingin ako kay kuya na feeling ko parang malungkot siya.

Marunong din palang sumenti ang mga ganitong tao? Pero pinagtataka ko lang.... Kanina lang parang ang saya saya niya lang nung kumakain kami ng fishball pero bakit ngayon nageemote etong mokong na 'to? Haist buhay nga naman di mawari. >_<

"Alam mo matagal ko ng kababata si (insert name)" so ano naman sakin? Oo friend ko si BF pero paki ko kay kuya!

(A/N: walang fullname ung mga characters kasi tinatamad ako magisip ng pangalan. Onti lang naman ung characters kaya madali lang naman malaman kung sino sila. Kung sakaling di mo maintindihan sabihan mo ko^^

Si Kuyang upper year nasa media box ---->)

"Bata palang kami parang kapatid ko na un" O… e ano naman? Sa totoo lang kanina pa ako pagod kay kuya ayoko lang pahalata kasi nageemote siya.

Nakatingin lang si kuya sa malayo habang nagsuswing. Ni hindi siya tumitingin sa akin.

Alam ko na slow ako sa mga nagaganap pero di ko talaga gets etong si kuya. Di pa diretsahin ang sasabihin ng makauwi na ko.

"Hindi ko maisip na malalayo siya dahil sayo!" Nagulat ako sa sinabi ni kuya pero hindi parin ako nagreact sa sinabi niya. Nahihiya ako sumabat kasi baka isipin niya inaagaw ko si BF sa kanila.

"Alam mo nagagalit ako! Ammhh... Mali...! Nagseselos ako. Nagseselos ako kasi never siya naging malapit sakin gaya ng pagiging malapit niya sayo." Sabi niya ng makatingin na siya sakin. Blank face parin ako at walang reaction. Paano niya nasabing di sila naging malapit? e halos sila kasama ung ibang bullies na nangtitrip sa school. Tsaka diba sabi niya bata palang sila para na silang magkapatid. Panong di sila nàgiñg close?

"Naiinis ako kasi sa gaya mong weak siya nagsasasama ngayon. Pero kahit weak ka. Sayo lang siya ngumiti ng ganon." Yumuko si kuya. At nagpitas ng damong dahon at pinagtripang pilasin dahan dahan. No reaction parin ang gwapong BF niyo.

Tumayo si kuya sa kinauupuan niyang duyan at napansin kong suminghot siya. Pansin ko din na medyo pula ang mata niya.alam kong pinipigilan niya umiyak. Sa ipinararating niya sakin nakukuha kong may gusto siya kay BF. Pero ang tanong bakit niya sakin sinasabi lahat ito. Gusto ko siyang tanungin pero baka ikabadtrip niya tapos salvage niya pa ko.

"Di ka ba nagtataka kung bakit kita dinala dito? O magtatanong man lang kung bakit ko ito sinasabi?" Tanong niya sakin

"Hindi ko na kailangang magtanong. Naiintindihan ko ang gusto mong iparating. Nung una palang na binantaan mo ako sinabi mo na iwasan ko siya. Ginawa ko yun. Totoo promise. Pero hindi ko naman kasalanan na siya ung lalapit sakin. Hanggang ngayon naaalala ko parin ang sinabi mo at ginagawa ko pading dumistansya. Sana huwag kang magalit sakin dahil napapalapit siya sakin. Sorry kung ako ung nakakapagpangiti sa kanya. Sorry kung mukhang inaagaw ko siya sa inyo" yumuko ako pagkatapos ko sabihin lahat ng sinabi ko. Pero after ng mga 30 sec. siguro ay tumingin na ako sa kanya. Nananatili siyang nakatayo sa harapan ko habang ako ay nakaupo sa duyan.

Hate That I Love This ShewolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon