Bakit sa dinamiraming lalaki na nakilala ko ikaw pa yung minahal ko?
Minahal ko kahit alam ko sa sarili kong masasaktan lang naman ako.
Masasaktan, dahil hindi ako ang mahal mo.
Hindi ako ang makapagpapasaya sa puso mong buo.
Buong buo dahil nalaman mong may gusto rin pala siya sayo.
Ang malas malas ko.
Ang malas malas ko dahil inibig ko ang isang tulad mo,
Isang tulad mo na may manhid na puso.
Puso na kung saan ang tinitibok ay di ako.
"Ayoko na!"
"Suko na 'ko!"
'Yan ang mga katagang binitawan ko nung mga panahong siya pa ang mahal mo,
Pero sa hindi inaasahan nagbago ka dahil iniwan ka niya.
Iniwan ka niya, dahil may mahal pala siyang iba.
Biruin mo? Nakaya niyang pagsabaying mahalin kayong dalawa?
Ah! Kung may lalaking manloloko, syempre meron ding babaeng manloloko.
Sinayang niya ang pag-ibig na hinahangad ko.
Oo, hinahangad ko ang pag-ibig ng isang tulad mo
Isang tulad mo na hindi inaasahang mahalin ang isang tulad ko,
Isang tulad ko, na patay na patay sayo.
Kaya naman ang saya saya ng araw ko nang malaman kong mahal mo na rin ako.
Masakit isipin dahil parang,
Minahal mo lang ako dahil naubusan ka na ng choices.
Pero kahit na, choosy pa ba?
Mahal mo ako at mahal kita.
Kaya ang importante ngayon, ay akin ka.
Kaya naman kahit nasaktan man ako sa una,
Kahit na noon ay pilit na kitang binubura sa puso at sa lahat ng pandama,
Kahit na akala ko noon ay ako na ang pinakamalas sa balat ng lupa,
Hindi ko pa rin pinagsisihan ang mahalin ka
Dahil lahat ng sakit na dinanas ko,
Ay natapalan na ngayon ng pagmamahal mo.Tula #1
#StoryaNgMarupok
A/N:
This poetry was revised, and yea itong tula daw na ito ay ang unang tula na ginawa ko. Pero wala e na revise ko na. HAHAHAHAHA yan!
-akushiara
BINABASA MO ANG
MgaTulaNiAkushiara
PoetryPOETRY Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this poetry in any way. Please obtain permission. PLAGIARISM IS A CRIME. Special thanks to the lady who made the cover photo, @Ri...