Shet na malagket. Late na naman ako. Lunes na lunes.
*1 message received from Sie*
Baklaaaa! Nasaan ka na? Alam mo naman na may pa-meeting si Shrek.Shrek ang bansag namin sa boss namin. Hindi naman siya green at panget katulad ni Shrek. Napagtrip-an lang talaga ni Sie.
Grabe ang traffic. Deads na talaga ako nito. Huwag na lang kaya ako pumasok?
Ano kaya pwedeng idahilan? LBM? Migraine? Huhuhu. Ayoko naaaa.
~•~•~•~
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nandito na ako sa may pintuan kung saan ginaganap sang meeting. Dinikit ko ang aking tenga sa pintuan para madinig kung ano na ang nagaganap.
Pashnea. Wala akong madinig. Baka naman tapos na?
Pinihit ko ang pinto at dahan dahang binuksan.
Nakita ko si Sie, at sinenyasan na pumasok ako kaagad.
"Bakla ka. Swerte mo may tumawag kay Shrek. Kung hindi, nako makakatikim ka ng sigaw." mahinang sabi ni Sie.
Napatingin kaming lahat sa bumukas ng pinto. Akala mo sisirain e.
"We'll continue this meeting next time, tumawag si VP. May emergency meeting kami. Yung mga na-discuss, it should be implemented as soon as possible. Robi, come with me. I need to talk to you." nagmamadaling sabi ni Shrek.
Pagkasarado ng pinto, nag-ingay yung mga katrabaho ko. Para kaming mga presong nakalaya.
"Bakla, ang saya. Tara lunch out"
Nawalan ako ng tinik sa dibdib. Wew. Akala ko mapapahiya ako ngayong araw.
Napatingin na naman kami sa nagbukas ng pinto.
Si Robi.
Si Robi ay isa sa mga matatagal nang empleyado dito. 24 y/o pa lang siya. Maaga kasi siyang nakapagtapos. Sobrang talino niyan. Kung idi-describe ko siya physically, may katangkaran siya, nasa 5"7' ang height niya, maganda ang hubog ng ilong, katamtaman ang katawan at may kaputian.
"Guys, good news and bad news. Ano gusto niyo mauna?"
Nag-ingay lalo ang mga katrabaho ko.
"Ganito. Good news muna. Nasa testing phase na ang ating application..."
Hindi natapos ang sinasabi ni Robi dahil naghiyawan na kami. Ang saya saya! Lahat ng pagod at hirap naging worth it.
"May isa pa akong good news, one week wala si Sir Matt"
Mas lalo kaming nag-ingay.
"Teka, Robi, ano naman yung bad news?", napatingin ako kay Jeza.
Oo nga nakalimutan ko may bad news pa pala. Ano naman kaya 'yun?
"May papalit kay Sir, ang nakatatanda niyang kapatid si Sir Marcus"
"May kapatid si Shrek?", gulat na tanong ni Sie.
May kapatid pala siya.
~•~•~•~
Matry ko na nga 'tong Meet-a-Stranger app.
Ito yung app na dinedevelop ng company namin. Nasa testing stage na at kasama kami sa mga magtetest nito.
Gumawa na ako ng account ko. Syempre gumawa ako ng codename ko para hindi makilala. Kasi panigurado kami kami lang na nagtatrabaho sa company ang mami-meet ko.Pinindot ko na ang 'Meet' button.
Medyo mabagal pa siya sa paghahanap. Siguro kasi wala pa naman masyado gumagamit sa amin.
Ayan na may na-meet na akooo.
Meet Doraemon
Doraemon?
~•~•~•~
Nagustuhan niyo ba ang part na ito?
Click vote
|
V~thanks xx
BINABASA MO ANG
Meet-a-Stranger [Short Story]
Short StoryMeet-a-stranger Isang bagong app na dinedevelop ng company na pinagtatrabahuhan ni Yanni. Nang dahil sa app na ito, magsisimulang magkaroon ng mga hindi inaasahang pangyayari sa buhay niya.