3.0

54 1 0
                                    

Zhing's POV


Nitong mga nakaraang araw, malalim ang iniisip ko. Hindi ko alam kung ano na ba talagang nararamdaman ko para kay Yuenne. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay siya pa rin.


Yitian calling...


"Teka. Gabing-gabi na ah." Sabi ko bago ko sinagot ang tawag ni Yitian. "Oh?"

"Hello, Zhing? Nagising ba kita?" Tanong niya sa akin nang sinagot ko ang tawag niya.

"Hindi naman. Hindi pa rin ako makatulog. Bakit?" Pagod na ako pero itinanggi ko 'yun.

"Pwede mo muna bang samahan sa bahay si Yuenne? Masama kasi ang pakiramdam niya kanina. Kailangan kong pumunta sa ospital kasi may emergency." Nang sinabi niya 'yun, parang biglang nabuhay ang dugo ko.

"Ha? Masama ang pakiramdam niya? Sige. Papunta na ako." Sagot ko naman at kaagad akong dumiretso sa pintuan ko. Kinuha ko ang susi ng kotse ko at kaagad akong lumabas.

"Ang pass ng pintuan namin ay ****" Aniya.


Mabilis akong nagdrive papunta sa bahay nila dahil hindi ako mapakali. Pagkarating ko ay hindi na ako nagdalawang-isip. Pumasok kaagad ako sa loob. Nang narating ko 'yung kwarto nila, nakita ko si Yuenne. Pinagpapawisan siya.


"Yuenne." Lumapit ako sa kaniya upang tingnan kung may lagnat siya pero wala pa.


Naisip ko naman na baka dahil ng pagbubuntis niya kaya pabagu-bago ang nararamdaman niya. Pinagmasdan ko lang siya at umupo ako sa gilid ng kama niya.


"Tss. Kung ako sana ang pinili mo, hindi ka sana nagkakaganito. Hehe." Bulong ko sa kaniya.


Napansin kong nagmulat ang mga mata niya at ngumiti siya sa akin, saka siya pumikit ulit. Hindi ko naman napansin na nakaidlip na rin ako. Nagising na lang ako nung narinig kong umungol si Yuenne, at naroon na rin pala si Yitian.


"Yitian. Nandiyan ka na pala." Nakalapat ang kamay ko sa noo ni Yuenne at naramdaman ko naman na nilalagnat na pala siya.

"May lagnat ba siya?" Tanong ni Yitian.

Tumango ako at sinabing, "Oo. May gamot ka ba diyan?"

"Doktor ako, malamang." Aniya saka siya pumunta sa kung nasaan ang mga gamot nila.


Unfortunately, wala raw silang gamot para sa lagnat sa ngayon. Halos matawa ako at mainis dahil kung kailan kailangang-kailangan ni Yuenne, saka naman walang gamot. Not to mention na doktor si Yitian, kaya tinuruan ko na lang siya kung anong dapat gawin. Pambihirang doktor. Hindi marunong ng basic. *smirks*

Bago ako umalis, sinigurado ko munang okay na si Yuenne. Kung pwede nga lang 'wag ng umalis, hindi na ako aalis sa tabi niya.

Ilang oras lang akong nakatulog. Nang nagising naman ako, medyo maaga pa rin. Papunta na sana ako sa shoot nung isang bago kong commercial pero nagulat naman ako noong nakita kong tumatawag si Yuenne sa akin.


"Hello Yuenne?" Pagsagot ko sa kaniya.

"Z-Zhing. T-Tulungan mo ako." Aniya na nakapagpakaba sa akin.

A Love So Heartbreaking (A love so beautiful)Where stories live. Discover now