Chapter One

8 0 0
                                    

Ashley's POV
Bumuntong hininga ako nang matapos ko na ang pagsusulit sa Science na pinasasagutan ni Prof. Martinez na siyang adviser namin sa buong klase.

"Okay class pass your papers and everyone may take your lunch..."

"Except for you Ms. Taludtod" sambit ni Prof. Martinez na dahilan ng pagtatayuan ng mga estudyante at magsilabasan ng silid. Naiwan naman kaming apat na magbabarkada dito.

Bigla naman kaming napatingin kay Becca na ngayon ay inilalagay na ang kanyang mga gamit sa kanyang bag. Naku po! Taludtod na naman. Hays.

"Sir? Me?" Kunot noo niyang tanong habang nakaturo pa ang kanyang hintuturo sa kanyang sarili.

Napatayo naman si Becca sabay sakbit ng kanyang bag na dahilan ng pagtayo rin namin nila Jessy at Yvon.

"Yes you. Who else? Now, follow me Ms. Taludtod"

"Sir, Tudtud po hindi Taludtod" pagtatama ni Becca na ngayon ay mukhang inis na. Naku becca, di ka pa nasanay na iyun ang tawag sa iyo ni Prof. Martinez. May katandaan na kasi si Prof. Martinez. Tumandang binata kaya ayan nabingi. Nakakabingi ba pag walang lovelife? Ugh..nevermind.

"Ano ba ang sabi ko? Di ba tulatod? Now, follow me at may ipapagawa ako sa iyo" lintaya ni Prof. Martinez at nagsimula nang maglakad palabas ng room.

Napairap naman sa kawalan si Becca. Kami namang tatlo ay di mapigilan ang pagtawa.

"Pft. Bwahahaha" tawa naming tatlo

"Nakakatawa? Nakakatawa?" Pabirong tanong niya.

"Kayo kaya murderin ang apelyido? Ano? Matatawa kayo? Paduduguin ko mga nguso niyo e" iritadong sambit niya na siyang ikinatigil namin sa pagtawa. Pft. Highblood.

"Susunod nalang ako sa cafeteria" dugtong pa niya saka lumabas na ng room.

Science Club President kasi 'yang si Becca kaya malamang may ipapagawa sa kanya si Prof. Martinez.

"So ano? Una na tayo?" Tanong ni Jessy

"Tara" anyaya ni Yvon sa akin na siyang tinanguan ko. Lumabas na kami ng room. At tinahak ang daan patungo sa cafeteria.

"Mga bakla!!!" Sigaw ng pamilyar na boses kaya napatigil kaming tatlo sa pagalalkad at napalingon sa likuran.

"Anong bakla? Baka nakakalimutan mo ikaw lang ang bakla" mataray na tanong ni Jessy kay Dona na ngayon ay nakakapit na ang bisig kay Yvon. Ginawa pang lalaki si Yvon. Tsk. Si Dona ang barkada naming bakla. Nagsimula naman na kaming maglakad. Hay umbasent na naman si bakla ng first period. Tamad!

"Ay ang taray mo Jessy! Jombagin ko kaya lola mo ano?"

"Eh kung gupitin ko kaya iyang ano mo?" Pagsagot naman ni Jessy

"Ito naman! Di mabiro. May news lang naman aketch e" sambit niya habang paliko na kami patungo sa cafeteria

"Ano?" Tanong ni Yvon

"Fake news ba?" Natatawang tanong ko.

Puro fake news kasi ang ibinabahagi nitong si Brandon aka Dona.

"Hindi na'to fake news mga besh" sambit niya at saka ipinaikot ang kanyang daliri sa kanyang tainga na akala'y may buhok na mahaba. Tsk.

"Ows di nga?" Tanong ni Jessy

"Oo nga" pagdedepensa niya pa.

Nakarating naman na kami sa cafeteria at tumungo na sa paborito naming lamesa na may limang upuan. Umupo naman na kaming apat.

"Teka order lang ako" sambit ni Yvon saka tumayo. Hinawakan naman siya sa braso ni Dona.

"Mamaya na! I ke-kuwento ko muna sa inyo"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HeartstringsWhere stories live. Discover now