Danielle's POV
2nd Week: Tagay-tay (8)
Panaginip ba lahat ng to? Dahil kung oo parang ayoko ng magising pa
Kasalukuyan parin kaming nakaupo ni Ian dito sa sofa, patuloy din ang agos ng luha ko dahil akala ko may iba siya, akala ko ititigil na niya to, aaminin ko may kapangyarihan siyang itigil ito dahil kami ang humihingi ng tulong galing sa companya nila
"Elise, matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito, na umamin mismo sa harapan mo, nang sinabi ni mom na kailangan ng tulong ng companya niyo hindi rin ako tumanggi dahil ayoko din silang ma-dissapoint, parang pinagsakluban ako ng lupa nung araw na yun, pero nung pumunta kami sa bahay ninyo at ikaw ang nakita ko nabuhayan ako, umaayon nga talaga saakin ang tadhana, at sa bawat minutong kasama kita parang ayoko nang pakawalan ka" sabi niya at hinawakan yung dalawa kong kamay
"I-i-i just can't believe it" i said nakayuko parin
"Alam kong magdadalawang buwan palang tayong magakakilala, kaya Elise i will ask you this question, Will you be my girlfriend?" Sabi niya at naglabas ng isang kahon, at kung hindi ako nagkakamali singsing ang laman nun, binuksan niya ito at iniangat ang aking mukha paharap sakanya, nakita ko ang kaba? saya? at pagpupursigi sa mga mata niya
"Seryoso ka ba diyan?" tanong ko halos bulong
"Seryosong-seryoso" sabi niya at naging seryoso nga ang mga mata niya
"Aba't asungot ka pala eh, anong akala mo saken ganon-ganon lang makuha? Aba! Manigas kang gago ka" sabi ko na parang naiinis pero deep inside kinikilig ang lola niyo, ang sarap pala sa feeling na kiligin kasi in my 18 years of existence wala pang nagparamdam ng kilig na ganito, kahit isa sa mga manliligaw ko noon, hindi ko ngalang sila sinasagot haha!
"Ano'ng kailangan kong gawin para makuha ko ang matamis na "oo" ng prinsesa ko?" tanong niya, what's with the "prinsesa" thingy, si daddy lang ang tumatawang sakin ng ganyan
"Hoy, gunggong nakakita ka na ba ng babaeng nakukuha pero hindi nililigawan?" tanong ko pabalik, aba loko wag demanding bustedin ko kaya? Pero wala naman akong kawala
"Sa kakilala ko wala pa naman kaya--" napahinto siya sa pagsasalita ng baka napagtanto niya ang gusto kong sabihin
"Ano?" tanong ko na naman
"Sige, liligawan kita, basta't makuha ko lang ang matamis na oo mo" sabi niya at sinuot yung singsing, ang gandang pagmasdan sa daliri ko, animo'y nilikha talaga ito para saakin, kasyang kasya
"Dapat lang, papahirapan pa kita haha!" sabi ko at tumawa
"Eh ikaw, kung hindi mo tinanggap yan wala kang nararamdaman din saken, pero tinaggap mo so ibig sabihin, gusto mo din ako?" tanong niya na may tonong pag-asa sa boses niya bakit pa aasa kung wala namang dapat asahan, dahil nalampasan na neto
"Uhmm, sa tingin mo? Anong sagot ko?" pabalik kung tanong at inirapan siya, aba ang loko mahina din pala magpick up
"Aba malay feelings mo yan, pero sa tingin ko hindi, baka para lang sa kasal to" sabi niya at humina ang boses, tanga din pala minsan to eh no! mabatukan ka
"Arayyyy! Ang bigat ng kamay mo ah, parang hindi lalake" sabi niyaat hinimas yung tinamaan
"Gago ka pala eh, anong akala mo saken? Walang dam damin gunggong meron. Oo tinanggap ko to dahil gusto kita ay mali nahuhulog na ako sayo, kaya pag ako niloko mo sinasabi ko sayo, isusumpa kita hanggang sa magdusa ka" sabi ko at hinampas ang braso niya
"Baby naman, ba't naman kita lolokohin? So ibig sabihin may feelings ka din sakin?" tanong niya at ngumiti
"Kulit mo, baby" pang gagaya ko sa tono ni vice ganda sa beauty and the bestie