Arthur???
Arthur's POV
-- earlier
Pagkatapos ng meeting namin ay tumawag sina Mom..
"Arthur sweetie! Hindi muna kami uuwi ng Daddy mo for the next two days due to our work. Plus we're going on a business trip.. (on the other side: Dad: Honeypie! Ready ka na ba sa honeymoon natin?) Oh just wait dear I'm calling our son!"
"Haha nice business trip Mom."
"Oh haha right.. I already called your Tita Elinda( Lin's Mom) you can join them for dinner if you want to.. well its also been 4 years since the last time na we ate dinner with them..it's your choice.. your allowance ay nasa tita mo na rin.. siya na raw ang bahala.. Love you sweetie! Mwah!" *call ended..
"Wait Mom!" Aw.. nakakahiya naman...
--end of flashback
Pinindot ko ang doorbell nila.. kinakabahan ako.. kasi nakakatakot ang Daddy ni Lin, pero ang sweet naman ni tita.. tapos si Lin----- *0////0*
Bumukas na ang pinto. At sana hindi si Tito Chad...
"Andito ka na pala Arthur, sige pumasok ka na" Hay salamat si Tita ..
"Nasan po ba si tito?"
"Ay sa susunod na buwan pa siya uuwi.."
"Ah.. ganon po ba."
"Oo ganon na nga.. sige pumunta ka na sa kusina.. nagluto na ako ng mga espesyal kong mga putahe.."
Hmmm... ang bango.. parang walang nagbago sa kanilang pamamahay.. Palaging masaya at kompleto..
"Lin bumaba ka na diyan! Andito na ang bisita natin!" Rinig ko ang sigaw ni tita..
"Opo, bababa na po" sagot ni Lin.. at rinig ko rin ang pagbaba niya galing sa kanyang kwarto.
ARTHUR??
"Oo ako nga.. haha namiss mo ba ako?" Biro ko sa kanya..
----------
Lin's POV"Oo ako nga.. haha namiss mo ba ako?" Sabi ni Arthur. .
"Oo namiss kita!"
Biglang nanlaki ang mga mata niya at nagsimulang namumula ang kanyang mukha..
"Oo namiss kita.. kasi namiss ko rin yang mga bukol mo.. hahaha" pabirong sabi ko.
"Haha ganun ba? Hahaha naisahan mo ko dun ah"
Hahaha
"O sya, mamaya na ang mga kakulitan niyong dalawa at mananghalian na tayo." Sabi ni Mama..
-at sinimulan na namin kumain ng pananghalian..
Habang kumakain tinanong ko si Arthur kung ano ang dahilan kung ba't naparito sya at ikinuwento rin nya.
"Ahh yun pala ang nangyari.."
"Oo.. nakakahiya nga eh. "
"Walang tao sa bahay niyo ngayon diba? Ba't hindi ka nalang matulog dito para may kasama ka?"
"MAMA!"
"Eh.. nakakahiya po eh.."
Ang cute ni Arthur kapag nahihiya.. haha akalain mo?
"Ok lang yun Arthur. . Total ibinilin ka ng mommy mo sa akin.. kaya I insist."
"Sige po.." *0///0*
Pagkatapos kumain ni Arthur kinuha nya muna ang mga gamit nya sa kanilang bahay..."Lin... simulan mo nang linisin yung kwarto mo.."
"Bakit naman Ma?" Tanong ko..
"Sa kwarto mo matutulog si Arthur. Sige na maawa ka naman sa kaibigan mo.."
"Hay sige na nga po.." sagot ko..
"Salamat anak! *mwah.. o sya mauna na akong matulog sa inyo.. goodnight!" At pumasok na si mama sa kwarto nila ni papa..
*bumukas na ang pinto..
"Ah Lin.. nasan na si tita? " tanong niya..
"Natutulog na.. o sige.. ilagay mo muna yang mga gamit mo sa kwarto sa itaas.. dun sa left na pintuan ha.. " sabi ko sa kanya habang nang huhugas ng pinagkainan..
----------------
Arthur's POV"Dun sa left na pintuan ha"
"Opo ma'am." Sagot ko at umakyat patungong 'left side na pintuan' haha di naman low ang grades ko sa filipino haha.. pwede naman nyang sabihin na kwarto sa kanan..
Binuksan ko ang pinto at inilagay ang mga gamit ko sa sahig.... teka lang.. ang kwarto na'to kay LIN??? *0///0* ang bango at naka arrange, walang kalat ni isa...
HALA! Matutulog ako kasama si Lin sa kanyang kwarto? *0/////0*
Hays... ano bang napasukan ko.. nakakahiya naman..
Naku.... may assignment pa pala kami... may coffee table si Lin sa kanyang kwarto at doon ko inasikaso ang assignment namin..
--------
Lin's POVHay natapos rin... nakalimutan ko... si Arthur nasa kwarto ko *0////0* nagmadali kong pinuntahan ang kwarto ko at nakita ko......
Si Arthur gumagawa ng assignment, na nakaupo sa sahig at....... natutulog?
Zzzzz...
"Uy Arthur gumising ka nga! " napansin ko na mahimbing ang tulog niya.. kaya inaalalayan ko syang ilipat sa kama ko...
At tiningnan ko ang ginawa niya... Ginawan din niya ako ng assignment?.. aba Arthur talaga..
Parang stress talaga sya ha.. kahit anong gawin ko hindi parin sya gumigising.. --- ang cute nya kapag ganito parang pusa.. haha... ah..... aaaa.. ano ba ang iniisip ko???
----Kinaumagahan...
---------
Third person's POVNagising si Arthur dahil sa kanyang napaniginipan.. napansin niyang umaga na pala. Hindi niya inakalang.....
Ano???? Bakit??? Paano?
Paano ako napunta dito sa kama at katabi ko pa si Lin??
Ang himbing ng tulog ni Lin.. kaya hindi gusto ni Arthur sirain ang kanyang tulog.. Unti-unting umaalis si Arthur sa kama nang biglang niyakap sya ni Lin habang tulog...
*0////////0* L-l- lin???
Dahil hindi nya kayang kumawala sa yakap ni Lin, minamasdan nalang nya ang natutulog na si Lin..
Nang biglang........
"Gising na kayo!!"
****************
Hehe sana nagustuhan nyo ang chapter na to.. ano sa tingin nyo?
BINABASA MO ANG
Magka-ibigan (Friends?)
Short StoryNormal na eksena sa paaralan lamang.. haha at may halong love story. Si Lin Ramirez ay isang normal na estudyante at kababatang kaibigan ni Arthur at bestfriend ni Cindy. Si Arthur Morien naman ay isang soccer player na kaklase at kaibigan nina Lin...