One Shot

10 0 0
                                    

26 wishes: The Hope for Undying Love


January 26 ,2016 Nang maiadmit ako sa hospital na to. Nakakainis pero wala akong magagawa dalawa lang naman ang pagpipiliian ko.

Admit now o die later?

Kailangan ko ding tumigil sa pag-aaral
dahil nga iwasan daw ang stress sabi ni doktor. Oh diba kung sa iba masaya yun sakin HINDE! Kailangan ko pang talunin yung kupal na pinalit sakin ng ex ko! Gagong yun akala nya mas gwapo yung Unggoy na pinalit nya sakin.

"Sir kukuhanan na po kayo ng blood sample" tumango nalang ako at kinuha nito ang utility box.

Tinalian nito ang braso at tinapik tapik hanggang sa lumabas ang ugat tsaka nya tinusok.

Hinila nito ang syringe at nilagay sa isang tube tsaka sinulatan ng pangalan ko.

Napatitig naman ako sa katabi kong nakangiwi di ko na napansin na nakaalis na pala ang nurse sa tabi ko.

"Napapangiwi ka parin hanggang ngayon di ka pa ba sanay? " napasimangot naman ito at inabot sakin ang mansanas na talop na bago nya kinagatan yung kanya.

"Hmmp! Edi ikaw na strong kuya how to be you po!" umirap naman ito at yumuko tsaka kumagat muli sa mansanas.

"Masasanay ka din" tumingin ito sa akin at pinanliitan ako ng mata.

"Che! Ayoko ngang masanay gagaling din ako tas di nako babalik dito bleh" dumila ito sakin kaya napatawa nalang ako.

Napakachildish talaga haha.

Rhiena is my roomate more like 'hospital buddy' simula nung maadmit ako sya ang naging kaibigan ko mas bata sya sakin ng dalawang taon pero mas matagal na syang nakaadmit dito mga tatlong taon na rin siguro.

"Ilang taon ka nga ulit ng maadmit dito Riri?" tumingin ito sa kisame na parang nagbibilang tsaka muling bumaling sakin.

"16 ako ng maadmit dito bale 3 na taon na sa January 26, 2018" ngumiti ito sakin at may kinuha sa ilalim ng unan nya na isang parang libro.

Inibot nya ito sakin kaya tinanggap ko.

"Tingnan mo bilis!"naoatingin ako sa mata nito kitang kita ko ang saya sa mata nya kahit maputla ang itsura nito makikita na maganda talaga si Rhiena.

"Huy!" wiginawayway nito ang kamay nya sa harap ko kaya ako ako natauhan.

Ano ba tong nangyayari sarili ko biglang nawawala.

"Ano ba yan" tinuro lang nito sakin ang isang pahina na may drawing na dagat sa gitna nito ay may babeng nakasakay sa bangka.

"Sino naman to?" napairap ito sakit tsaka pinitik ang tenga ko.

"Alam mo dati akala ko ang talino tsk! Malamang ako alangan namang yung nurse idrawing ko sa gitna ng dagat" napailing nalang ako at tinuro yung isang lalaki sa drawing na nasa tabi.

"Eto yung sinasabi ko" sabay turo dun sa lalaki.

Namula ang pisngi nito tsaka napakamot sa batok.

" Hehe..Ikaw yan" napatawa naman ako tsaka tinignang mabuti ang pagkakaguhit nya sakin.

"Ang liit ko naman dito tsaka yung mukha ko malapit na sa square tsaka anong inaabot ko dito?"

"WAW dapat sinabi mo nalang na ang pangit ng drawing ko tch. Alalay kita dyan taga abot ng pagkain syempre kailangan ko ng alalay" akmang ililipat ko ito sa susunod na pahina ng pinigilan nya ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IW26DOJWIKIWUL (OneShot) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon