Nung nakilala kita talagang ibang saya ang naramdaman ko. Halos hindi ako makatulog ng maayos sa gabi sa tuwing naiisip ko ang mukha mong mala-anghel na nakatitig sa mga mata ko. Tila nagbibigay ng mensaheng ako'y iniibig mo. Paano nga ba tayo nagkakilala?
(FLASHBACK)
Third year highschool ako noon nung nakilala kita. Isa kang drummer sa Drum and Lyre Band ng ating school kaya naman sikat na sikat din sa taglay mong galing sa pagtugtog. Matinik ka sa babae kaya naman nabansagan kang isang 'playboy'. Kaya ayun, hindi rin naman kita masyado pansin kasi isa daw akong 'nerd' dahil sa malaking salamin sa aking mga mata. Mga makakapal na kilay na akala mo nasobrahan sa eye brow pencil. Weird na braces sa aking ngipin at ang weird kong pananamit. Sino nga bang magkakagusto sa isang tulad ko diba? Kahit kaibigan walang nagbabalak na makipagkaibigan sa akin. Kahit na masakit nasanay na rin naman ako. At mas gusto ko rin namang mag isa kaysa naman may makasama akong plastik na tao. Tsaka mahirap din akong makipag socialize kaya kung i-evaluate mo ako, bagsak ang grade ko.
Kinabukasan, papasok ako sa school ng nagmamadali kasi may kailangan akong habulin na oras dahil baka yung librong gusto ko makuha eh makuha na ng iba. Sa pagmamadali ko hindi ko napansin na may nabangga na ako kaya pati yung dala kong mainit na kape na hindi sinasadyang natapon sa puting tshirt mo.
At iyon ang simula ng pinakamasakit na bangungot ko. Simula nung araw na iyon, hindi na naging normal ang pagtibok ng puso ko. Doon na rin ako nagsimulang magkagusto sa iyo. Mukhang imposible kasi dalawang araw palang kita kilala pero ganun na yung naramdaman ko para sa iyo. Pero.....naging posible sa akin.
Nakakatawa pero lumipas ang ilang buwan nalaman kong gusto mo na rin ako. Nung una akala ko pinagtitripan mo lang ako, pero nung first class natin pagpasok ko sa room ikaw ang nadatnan ko at nagtapat ka ng feelings mo
"Bianca Alexis Johansson, I know this is weird pero simula nung dumating ka sa buhay ko, my life has changed..everything has changed. Hindi ko alam pero bigla ko nalang naramdaman ito eh. Wala na yata akong kawala... tinamaan na ako ni Kupido. Pero weird man, alam kong totoo itong nararamdaman ko para sayo. Bianca, I can't imagine you being a girl of another man. I can only imagine you being mine. So, will you be my girlfriend?"
Shocked and at the same time hindi ko alam gagawin ko. Pero sa huli sinagot din kita ng 'oo'. Masaya ka pero sobrang saya ko. Walang makakapantay sa sayang nararamdaman ko. Simula nang maulila ako sa aking mga magulang ngayon nalang ako ngumiti, tumawa at sumaya. Kaya I thank God for giving me another chance to smile and feel loved by someone.
Mabilis na lumipas ang panahon, malapit na tayong mag isang taon. Nung mga unang buwan masaya tayo pero nung mag iisang taon na tayo parang lumabo na ang ating relasyon. Totoo nga na kapag ang tubig ay malamig, lumalabo. Akala ko wala lang lahat kasi busy tayo pareho kasi graduating na tayo ng high school at sasapit na rin ang ating JS Prom kaya hindi ko nalang inalintanang pansinin.
(JS PROM)
Excited na excited ako kasi ito yung araw na matagal ko ng hinihintay at matagal ko na ding pinaghandaan. Kasi once in a lifetime lang ito. Kahit na wala akong pera pambili ng simpleng gown talaga todo effort ako sa pag iipon.
Inayos ko lang ng simple ang buhok ko at naglagay ng kaunting kolorete sa mukha para magkakulay ang aking mukha. Inahitan ko na rin ang makapal na kilay ko at pinatanggal ang braces sa aking ngipin. Tinanggal ko muna pansamantala ang malaking salamin ko kahit medyo malabo ang paningin ko para naman bumagay sa aking damit. At nagsuot din ako ng heels na nirentahan ko pa sa malapit kong kapitbahay. Pagkatapos kong mag-ayos tumingin ako sa salamin at nagsimula nang lumabas ng bahay.
BINABASA MO ANG
Noong Akala Ko (ONE SHOT STORY)
Short StoryHindi lahat ng mga sinasabi ng isang tao ay kaya niyang tuparin. Gayung mga pangako ay tila napapako din. Hindi lahat ng totoo ay totoo. Masasabi mong totoo ito kung ikaw mismo ang kikilatis dito. Paano ka hahanap ng isang taong talagang mapagkakati...