Catastrophe

16 2 2
                                    



Prologue

Madilim na ang kalangitan ng tingalain ito ni Aivery. Tila isang masamang pangitain ito para sa kanilang paglalayag. Magalaw ang barko dahil sa hampas ng naglalakihang alon. Gaya niya ay basila rin ang ilan sa mga pasaherong nagpaparoo't parito.

"Aivery!" narinig niyang sigaw ng kung sinoman. Nang harain niya ito'y bumungad sa kanya ang naghahabol hiningang Tiyahin.

"Saan ka ba nanggaling bata ka at bigla bigla ka nalang nawawala?" May halong iritasyon nitong wika "Hindi bat sinabi ko na sayo na hindi ka pupuwedeng mawala sa paningin ko dahil ako ang mapapatay ng amahin mo kung nagkataong may nagyari sayong masama" dugtong pa nito.

Patungong Palawan ang barko. Ipinagutos kasi ng kanyang ama na doon muna siya mamalagi ng ilang buwan hanggat hindi pa humuhupa ang alitan sa konggreso. Presidente ng bansa ang kanyang ama at siya ang nagiisa nitong anak kaya't upang hindi maahamak ay naagdesisyonang siya'y ilayo at itago bago pa magbago ang taktika ng mga kalaban at siya naman ang puntiryahin.

Nawala ang kanyang iniisip ng napasalamak siya sa sahig. Namutawi ang sigawan ng mga tao dahil sa lakas ng baguga ng barko.

"Madame, kailangan na po nating lumipat sa mas ligtas na parte ng barko" suhestion ni Mang Alfed pinagkakatiwalaang body guard ng kanyang ama. Tumango lang ang Tiyahin habang itinatayo ang kaniyang pamangkin.

Habang tinatahak ang daan ay biglang bumuhos ang malakas na ulan, hindi nila maiwasang mapakapit sa mga railing na madadaanan lalona't mas malikot ang paggalaw ng barko.

Tumarik ang daan at hindi na naging pantay ang bapor. Pumasok na ang tubig sa ikatlong palapag at patuloy pang pumapasok hanggang sa ikaapat at sa mismong deck. Napaka bilis ng pangyayari. Marami nang nagsipagtalunan at nanga sihulog dahil sa hindi pagkakakapit ng maayos. Tanaw na tanaw sa puwesto nina Aivery ang mga naghalong palutang lutang na Bangkay, mga gamit at ang mga nakaligtas na nakakapit sa ilang parte ng barko.

"Hmmp" pilit na hinahawakan ni Aivery ang bakal na dumdulas na sa kanyang mga kamay.

"Auntie hin-di ko na ka-ya" hirap niyang saad. Napasinghap siya nang mabitawan ng isa niyang kamay ang bakal dahilan para makita niya ang babagsakan niya kapag napabitaw siya.

"Kayanin mo, hindi ka puwedeng bumitaw hindi ka puwedeng mawala paano nalang ang papa mo alam mo namang ikaw nalang ang meron siya" pagpapalakas loob pa niyang pahayag.

Pinilit niyang iangat ang kamay niya at ikapit muli sa bakal pero nagkamali siya ng galaw at tulyan ng napabitaw. Narinig niya pa ang pagtawag sakanya ng tiyahin bago naramdaman ang malamig na tubig na bumalot sa buo niyang katawan at ang malakas na paghampas ng kanyang ulo sa isang bagay na hindi na niya nakita ng tuluyan nang baluting ng kadiliman ang kanyang paningin.




AN:

Expect typos and grammar lapses. Still editing. 

Catastrophe (On-Going)Where stories live. Discover now