Ikatlo

4 1 0
                                    



Chapter Three




"Aivery! Hindi ka pa ba matutulog?" pabulong na tanong ni Aida habang nakahiga na't hihikabhikab. Hindi niya ito nilingon at inalala ang nagyari kanina. Nang ipilit niya kasing alalahanin ang tungkol sa Tae Kwan Do ay nakakita siya bigla ng mga nakaw na alaala, isang masakit na alaala.

Namatay pala ang kanyang ina noong papauwi sila nito galling sa isa nitong session ng Tae Kwan Do at masagasaan ang minamaneho nilang sasakyan. Kitang kita niya kung papaano namatay ang ina. Pinilit niya pa sanang makaalala ngunit nanlabo ang paningin niya hanggang sa mawalan siya ng malay at matagpuan ang sarili sa loob ng headquarters ng mga katulong na nakahiga.

"Ano bang nangyari saiyo kanina mayroon kabang sakit o kung anoman?" intirisado nitong tanong habang nakahiga rin at nakatingin sa kisame.

"Wala yun dala sigro ng pagod" Mas pinili niya nang huwag sabihin ang dahilan dahil mas mas lalo lang hahaba ang kanilang usapan at ayaw niyang mangyari iyon.

Ang memoryang naaalala lang kasi ni Aivery ay ang kaniyang marangyag buhay sa piling ng ama. Natatandaan din niya ang mga hitsura ng mga magulang niya ngunit hindi ang mga tungkol sa kanila at maging ang tungkol sa kanya, kung sino ba siya dahil bukod sa buong pangalan ay hindi niya alam ang ibang tungkol sa sarili at kung papaano siya napadpad rito.

Nasa kanyang alaala rin ang isang makabagong lugar, mayroong mga umaandar na makinilyang mga sasakyan at nagsisitaasang istablisyimento. Kaya't nagtataka siya kung bakit magkaiba ang lugar na nasa kanyang alaala at ang lugar na ito. Malayong malayo ang kaantasan niya ngayon sa kaantasan niya noon.

"Ano ba talagang nangyari?" naibulong nalang niya sa sarili bago tuluyang nilamon na ng antok.




Maaga palang ay nagsipagyos na kami para sa paghahanda sa panibagong araw. Iniayos namin ang isang napakalaking hapagkainan na may sampung silya sa magkabilang gilid at tig isa sa bawat dulo. May mga darating daw na mga bisita kaya kaylangang malinis at maiayos ang buong palasyo.

Bitbit ang walis ay tinungo ni Aivery ang hardin kung saan nakatoka niyang linisin kasama ang iba niya pang kasamahan.

Pasimple nitong nilingon ang paligid habang nagwawalis. Naakaraming kawal na nagkalat kaya paniguradong mahirap makatakas.

Patuloy niyang ginawa ang mga gawain ng mahagip ng kanyang paningin ang parehong lalaki na nagligtas sakanya kahapon at naging dahilan kung bakit kaylangan niyang maging alipin,

Si Juvhani. Nasa isang sulok ito at may--

kahalikan.

What the? Umagang umaga!

Hindi niya maialis ang paningin sa dalawa habang kinakain ang isa't isa. Mas naging agresibo ang mga sumunod na tagpo kaya't minabuti niya nang ibalik ang atensiyon sa paglilinis.

Bahala kayo diyang makita ng mga magulang niyo!

Pambihirang lalaki yun! Ginawa pa talagang outdoor activity. Hindi ko na muli pang tinapunan ng pansin ang ginagawa nila at mas piniling bilisan ang kilos para makatapos na't makalipat ng puwesto.




"Aive! Nakita mo ba yung kanina?" tanong ni Aida habang bitbit ang pinagkakainan niya patabi saakin.

Oras na ng tanghalian at ilang minuto nalang ay magsisimula nanaman kaming magtrabaho. Grabe nakakapagod!

Tinignan ko siya ng may halong kuryosidad.

"Si prinsepe Juvhani pati na ang prinsesang anak ng mga bisita kanina" wika nito habang maylaman pang pagkain ang bibig. Hindi kaya nakita niya rin kanina? Pero ang alam ko ay sa kusina ito na natoka.

"Magkahalikan" bulong niya saakin na tila isang tsismosang may tsismis na mainit-init pa. Tinignan ko siya habang pa ilingiling pa.

"Matinik talaga sa mga babae ang prinsipe, hindi ko na nga mabilang kung ilang babae na ba ang nakita kong kahalikan at kasama nito" wika nito na para bang wala lang iyon. Napangiwi nalamang ako.

Hindi na kataka takang maraming nahumaling sa binata dahil sa taglay nitong kagandahan bilang isang lalaki. Kahit sino namang babae ata ay mahuhulog sa karismang taglay niya, Puwera lang saakin may fiancé na kaya ako-

Teka fiancé?

Meron na kong fiancé?



"Bumalik na sa trabaho" sigaw ng mayordoma habang pumapalakpak upang makatawag ng pansin. Mabilis naming tinapos ang pagkain at nagpatuloy sa kanya kanya naming tabaho.

Sa isang araw kong pakikisama at pagtratrabaho ay mabilis akong natuto. Maraming patakaran akong nalaman na dapat sundin gaya nalang ng unang patakaran na pinaka tumatak saakin, Bawal tumakas.

Bwiset! Pano ko mahahanap ang pabalik saamin kung parang bilango na rin ako sa palasyong to.

Inihagis ko sa isang napakalaking drum ang basura. Kamuntikan pang mahulog dahil patong patong na ang mga basura na kaylangan na kaylangan nang itapon. Iniayos ko ng ito ng puwesto at siniguradong hindi mahuhulog bago nagpagpag ng kamay at binitbit ang dalang walis pabalik sa pinaglilinisan ko para icheck kung wala na ba talagang naiwang kalat roon.

Nakatayong inilibot ko ang paningin sa buong hardin ng biglang may telang bumagsak sa ulo ko dahilan para matakluban ang buo kong ulo. Mabilis ko iyong tinanggal at tinignan.

Puting polo?

Tumingala ako para sana tignan kung saan iyon nanggaling pero isang pares ng berdeng mata ang nasalubong ko.

Juvhani?

Bakit siya nakatopless?!

Nabaling muli ang atensiyon ko sa polo. At saka ko lang narealize na kanya pala itong polo kaya naman mabilis ko iyong nabitawan at tiningala siya, He's grinning. Oh holy universe why you're doing this to me? Masakit mang aminin pero ang guwapo niya talaga and those damn abs, I wish I can touch it-- Mabilis kong pinaling ang ulo ko. WTF I'm I thinking?

Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko parin nakakalimutan yung ginawa nila noong bisitang babae.

"What?" he chuckle. Pati pagtawa ang gwapo gwapo. Kiikilig na ko sa loob loob ko nang matauhan ko. Aive umayos ka nga! Nilamukos ko ang polo pabilog at inihagis pabalik sakanya, mabilis naman itong nakailag at tumawa lang.

Imbis na makipagusap sakanya ay mas pinili ko nalang ipagpatuloy ang natitira ko pang trabaho. Baka malaglagan pa ko ng panty dahil sa kanya.

"Aive? Bakit ka nandito diba dapat naglalampaso ka na ngayon kasama noong iba?" tanong ni Aida ng magkasalubong kami.

"Nauna na sila, nagtapon pa kasi ako ng basura tska sinilip ko pa ulit para sigurado " paliwanag ko. Tumango lang siya at saka nagpaalam na mauuna na, inutusan pala siya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Isang beses ko pang nilingon ang hardin bago tuluyang tunguhin ang susunod kong tratrabahuhin.





AN:

Expect typos and grammar lapses. Still editing.

Still reading?

Catastrophe (On-Going)Where stories live. Discover now