MALAYA NA TAYONG PAREHO

44 2 0
                                    

Tanggapin na natin
Na marami ng nagbago.
Tanggapin na natin
Na hindi na maibabalik ang lahat.
Tanggapin na natin,
Na hanggang dito nalang tayo-------
O tamang sabihin na tanggapin ko nalang ang lahat dahil
Wala na talaga.

Halata naman nanapipilitan ka nalang,
Halata naman na hindi na gano'n kalalim ang pag mamahal mo,
Halata namang nag bago ka na,
Halata naman na hindi ka na talaga masaya.

Pinipilit ko naman maibalik ang lahat,
Pinipilit kong ibalik ang mga nawala,
Pinipilit ko naman na ibalik ang dating tayo,
Pinipilit ko kasi mahal kita, mahal ko kayo.

Kaya lang........
Ako nalang ang nagpupumilit,
Ako nalang ang umaasa na mababalik pa ang lahat.

Ako'y tao lang din katulad mo na nagkakamali,
Nagkamali na pakawalan ka:(
Sana maibalik pa ang kahapong kinalilimutan mo na
Ang kahapong masaya pa tayong magkasama:(
Hayaan mo mahal ko,makakalimot din ako.
Hayaan mo lang ako pinag aaralan ko pa kung papaano.
Hayaan mo na ako sinasanay ko na ang sarili ko.
Malaya ka na, at magiging malaya na din ako,
Malaya na tayong pareho,
Sa pagkukunwaring okay pa ako:)

heartbroken💔😪Where stories live. Discover now