Hanggang Kailan?

57 4 0
                                    

"Uy tignan mo, ang gwapo nung matangkad na yun oh." bulong ng isang babeng mukhang lower batch sakin.

February 16, 2004 , Araw ng Biyernes

Dahil sa katatapos lang ng Araw ng mga Puso nagdesisyon ang school na magdiwang ng Valentines party alinsunod na din ito sa taon-taong gawain dito sa eskwelahan. Dahil sa ito ay isang party pinapayagan kaming mga estudyante na hindi mag-uniform at lahat ay nirerequire na magpula dahil nga sa VALENTINE'S Party ito.

11:45 na at ilang minuto na lang eh magsisimula na ang program. Malapit lang naman ang bahay namin sa school kaya tinatamad talaga ako umalis ng maaga. Pero dahil sasayaw kami sa program pinilit ako ng mga kaibigan kong pumasok ng maaga-aga.

"Di bale! Wala pa namang 12 maaga pa ko ng 15 minutes!" sa isip-isip ko.

Kabisado ko naman na kasi yung mga steps namin at komportable naman akong di ako magkakamali at meron naman na akong planong isasama sa stage.

Oo, isasama sa stage. May part kasi sa sayaw namin na kailangan naming magsama from the audience na sasayaw kasabay namin at dapat lalaki. Since may kapatid naman akong lalaki siya na lang ang inisip kong isasama, hindi ko nga lang pala siya nainform pero bahala na nga! :)

"Uy tignan mo, ang gwapo nung matangkad na yun oh." bulong ng isang babaeng mukhang lower batch sakin. "Uy! Oo nga!" sang-ayon naman ng classmate nya.

"Nakakalokang mga bata 'to. Nagbubulungan tas rinig na rinig ko naman." sa isip-isip ko. Patuloy ako sa paglalakad at pansin kong hindi lang pala sila ang nag-uusap tungkol sa "gwapong lalaki" Parang halos lahat ata ng mga babaeng madaanan ko iyon ang pinag-uusapan. Parang naiintriga na tuloy ako.

Papasok na ako sa Marian Hall kung saan idadaos ang event at napansin kong nagbubulungan ang bestfriend kong si Debbie at ang iba pa naming mga kabarkadang babae. Hmm. Sila rin kaya pinag-uusapan yung "gwapong lalaki"?

"Oh! Anong meron?" sabi ko sabay tapik kay Debbie.

"May gwapo daw eh." sagot ni Debbie habang halatang kinikilig sila ng mga iba ko pang kaibigan.

Nakakaloka! Ganun ba talaga kabig deal pag may gwapo? Dahil sa hindi naman ako mahilig sa mga ganyang usapan umupo na lang ako sa tabi ng mga kinikilig kong kaibigan at tumahimik lang katulad ng madalas kong gawin.

Napansin kong hindi na nag-aya ng practice ang mga babaeng 'to dahil siguro busy sa di mapalit-palitang topic.

May narinig akong tumili at nagulat ako! Di ko namalayang nakaidlip pala ako. Agad akong tumingin sa orasang nakasabit sa dulo ng hall. 12:10 pero di pa din nag-uumpisa ang program. Filipino time nga naman. Nagsisimula pa lang din magsipasukan sa hall ang mga estudyante.

Nabaling ang atensyon ko sa grupo ng mga estudyante na tumitili ng pabulong. Aba! Kilig na kilig lang? Napalingon ako sa direksyon ng paningin nila at isang grupo ng mga lalaki ang nakita ko, mukhang lower batch at nangibabaw sa kanilang lahat yung nakapolo na red at may panloob na puting v-neck na shirt, nakapantalon na sakto lang ang fit, naka sneakers na puti at may kwintas na silver. Aba! Si kuya maporma! Pinagmasadan ko sya ng mabuti. Matangkad siya kaya siguro sya nangibabaw, moreno, matangos ang ilong, mala binatang Richard Gomez ang dating. Tall, dark and handsome.

"Eto kaya yung kanina pa pinag-uusapan na "gwapong lalaki"? Mukhang pamilyar siya." bulong ko sa sarili. "Hmm. Malamang nga siguro nakita ko na siya dahil sa iisang school lang kami nag-aaral at di naman kalakihan ang school na 'to para di ko siya mapansin." Hay nako Audrey! Kausapin daw ba ang sarili?

Pero infairness ah, gwapo nga siya!

Ngumiti na lang ako at bumalik sa dati kong posisyon. Nagpasya na kong maidlip ulit nang marinig ko ang principal namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hanggang Kailan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon