Di ko rin talaga maintindihan sarili ko. Tangina aminado naman ako na medyo haliparot ako. Marami akong crush kase nga para more chances of winning pero Ewan ko ba kung bakit hindi kita makalimutang hayup ka. Alam ko naman na malabong mahalin mo rin ako. Choosy ka kaya tsaka may pagka judgemental ka. Isama mo pa na gwapong gwapo ka sa sarili mo. Ano ba naman ako mukha lang naman akong tanga tas chaka pa so sobrang labo diba. Alam kong sagad na yung katangahan ko kase apat taon na pero mahal pa rin ata kita. Iniistalk pa rin kita, tinitignan ko pa rin twitter mo. Tangina nabasa ko na nga lahat ng tweets mo eh. Simula sa una hanggang sa pinaka recent. Umasa ako na sana kahit isang beses naitweet mo ako. Kaya lang mas nasaktan ako kase nga ang gaga ko. May mga nakikilala naman akong mga lalaki eh kaya lang kung hindi sila ang titigil makipag usap. Ako naman yung nawawalan ng gana. Ikaw kase sana yung gusto kong kausap. Tangina mo nung nakaraan di mo ako pinatulog. Inisip ko na baka naman pwedeng humingi ako sayo ng closure gusto ko lang naman sana na bigyan mo ng sagot yung mga tanong ko. Kaya parang di naman kase applicable sa atin yon. Wala naman kaseng tayo. Walang tayo pero nasasaktan pa rin ako. Di naging tayo pero ang lupit ng tama ko sayo. Mahal kita kahit na wala naman talagang malalim na dahilan para mahalin kita. Sinusubukan kong alalahanin kung may ginawa ka ba para mahalin kita ng ganito. Minsan naiisip kong di mo naman ako deserve kase mahal na mahal kita pero ikaw ayon masaya sa kandungan ng iba. Nakikipag lampungan sa pers lab mo. Di naman ako galit sa kanya kase sya yung pinili mo. Baka nga kase mahal mo talaga SYA. Heto ako parang tangang naghihintay sa wala. Umaasa na sana balang araw makita ka ulit. Sana kase di nalang ako umamin sayo. Mas masakit kase ata ngayon hayop ka kase tinanong mo ako kung gusto ko ba na ligawan mo ko eh samantalang may kalandian ka na! Di ka pa nakuntento sa papanakit sakin ah! Kapangalan ko pa yung kinuha mong hayop ka! Ganito lang naman ako eh mag gagalit galitan pero I can't stay mad at you kase nga ikaw na hayop ka mahal kita. Sana maging masaya ka kahit na alam kong kahit kailan hindi ako magiging dahilan ng pag ngiti mo. Sana tumawa ka pa ng marami kase nakakatuwang marinig yung tawa mo. At last na to sana wag ka na ulit manlalandi ng babae kung di mo naman talaga SYA bet huwag mo masyadong busugin yung ego mo. Kung magmamahal ka magmahal ka lang kahit di ako yon.
YOU ARE READING
sulat ko para sayo
General FictionIkaw lang naman yung gusto Kong magbasa ng sulat ko.