Kabanata 1
Tatagaktak ang pawis ng dalagang si Belisima dahil sa init ng tirik na tirik na araw
Tatlong araw na siyang nag lalakad kung saan saan upang makahanap ng trabaho
Malapit na ring ma ubos ang pinagtitipid niyang dalawang libong piso, ito lang kasi ang naipon niya bago siya palayasin ng amang nakipag live in na sa bago niya namang babae
Bata pa kasi siya mula nang namatay ang kaniyang ina at mula moon ay hindi niya kailanman naramdaman ang pagmamahal at pag aaruga sa lalaking nakabuntis ng nanay niya. Di niya magawang tawaging tatay ang burho pagkat kailanman ay hindi naman ito nagpaka tatay sa kaniya.
"Diyaryo po kayo! Ale, diyaryo po kayo!"
Natanaw niya ang isang batang nakadapa sa kalsada na mukhang gutom na gutom na
"Bata, magkano?" tanong niya. " Limang piso lang po ale, para sa inyo!", "pabiling isa" lumiwanag ang mukha ng bata, "sige po ale!"
Gumaan ang pakiramdam niya pagkat alam niyang kahit papaano ay napasaya niya ito.
____________
SAWI na naman si Belisima.
pinasok na niya halos lahat ng institusyong pwede niyang mapasukan ngunit hindi talaga siya pinalad.Hanggang 3rd year high school lang siya at hindi na siya nakapagtapos kahit man lang high school. Naghanap nalang kasi siya ng trabaho para sa kaniya at sa lalaking bumuntis sa nanay niya, eh gago talagat mas pinili pang susama sa hipong iyon kaysa alagaan ang sariling anak.
Mas gusto rin kasi ng mga employers ang college grad. Nag apply rin siya bilang janitress pero-
Hiring Janitress- no needed diplomas.
'Hay salamat, baka sakaling tanggapin na ako dito' isip niya. Pumasok siya sa building at kinausap ang guard na nakita niya
"Manong! Magandang umaga po! Saan po pwedeng mag-apply?"
"Anong posisyon po ba ang pag-aaplayan mo mam?"
"Janitress po manong"
"Kumaliwa kalang diyan mam tapos ang dulong kwarto yung opisina ni boss"
Hindi siya kompartable sa titig ng guard, alam niyang maganda siya, maputi, kayat sanay na siyang tinititigan kahit saan siya magpunta--hindi nalang niya iyon pinansin
Naglakad siya at nagtungo sa opisina kuno ng boss noong guard. Biuksan niya ang pintuan at unti unti o dahan dahan siyang pumasok.
Nakita niya ang isang swivel chair na nakatalikod sa kaniya. 'Halaaa sana gwapo at bata pa itong magiging amo ko king papalarin ako' isip niya.
Mahilig kasi siyang magbasa ng mga libro noong nag aaral pa siya. Hinihiram niya ang mga romance novels ng mga kaklase niya.
Ilang beses na niyang nabasa ang ganitong eksena- iyong babaeng nag aaply ng tabaho tapos pagpasok niya sa opisinang pag aaplyan niya ay makikita niyang nakatalikod ang boss niya at may kausap sa telepono at pag harap ng lalaki ay makahulog panty ang mala adonis nitong mukha tapos unti unting mahuhulog ang loob nila sa isa't isa at happily ever after na--
Naputol ang pag iimagine ni Belisima ng humarap ang lalaki at halos lumuwa ang mata niya sa nakita
Isang matabang matandang panot ang nasa harap niya at para siyang hinahalay sa paraan nang pag titig nito sa kaniya.
"Hi chicks! Anong kailangan mo? Titi ko?"
Kumabog ang dibdib niya at dali dali kumirapas siya ng takbo tumakbo papunta sa labas ng lugar na iyon
__
Napailing si Belisima nang maalala ang nangyari sa kaniya kanina. Takot parin siya at na trauma ng slight dahil sa nangyariTakot parin siya lalo na ngayong madilim na ang paligid at wala parin siyang nakuhang trabaho
Nag lakad lakad siya kung saan saan at nang makakita siya ng tindahan sa gilid ng kalsada ay lumapit siya doon at bumili ng apat na biskwit. Pag tiyatiyagaan niya itong hapunahan ang pinaghating isang biskwit at ito ang magsisilbing pagkain niya buong araw bukas.
"Hi miss! Bakit mag-isa ka lang? Ang seksi mo naman! Gusto mong sumaya ngayong gabi?"
Kumirapas siya ng takbo at hanggang ngayon ay sinusundan parin siya ng lalaki.
Nakakita siya ng ng isang iskinita at duon siya nagtago. Lumampas ang lalaki sa kanya.
Nag antay pa siya ng ilang minuto bago siya lumabas sa pinagtataguan niya. Nanginginig parin siya sa takot pero nagpakatatag siya at nag dasal sa panginoon. 'Diyos ko po! Bantayan niyo po ako at naway huwag niyo po akong pabayaan'
Humihingal na nag ikot ikot si Belisima hanggang sa nakahanap siya ng mumurahing motel.
Nagbihis siya sa mabahong cr ng kwarto at nag hilamos.
Tiningnan niya ang repleksyon niya sa salamin at napatulo ang kaniyang luha.
'Bakit ba ang malas malas ko' mahina siyang humihikbi at inilabas niya ang lahat ng sama ng loob niya.Tiniis niyang humiga sa kamang amoy Zonrox. Mas malambot nga ito kaysa sa kama niya sa dati niyang bahay ngunit alam na alam niyang mas madumi itong kamang ito kaysa sa kama niya noon.
Pinag isipan niya ang mga nangyari sa kaniya sa araw na ito. Pagod na siya ngunit pinili niyang magpakatatag para sa sarili niya.
Napatingin siya sa bedside table niya at nakita niya ang kaniyng bag doon. Kinuha niya ang biskwit na binili niya kanina at hinati ito sa dalawa. Kinain niya ang isa at para umagahan naman ang kalahati nito.
Binuksan niya ang pitaka kanyang pitaka upang bilangin sana ang kakarampot na perang natitira sa kaniya nang nakita niya ang diyaryong binili niya sa batang nakita niya kanina.
Binilang muna niya ang kaniyang pera at napabuntong hininga dahil malapit ng maubos ang kaniyang pera. pagkatapos ay nagbasa basa muna siya upang mawala ang isip niya sa mga bagay na nangyayari sa kaniya at sa mga bagay na maaaring mangyari o mangyayari sa kaniya sa susunod na araw nga tatahakin niya.
Binasa niya ang mga balita tungkol sa bansa at naglaro rin siya sa mga puzzle games doon. Kahit naman hindi siya nakapag tapos ng kahit man lang high school ay kahit papaanoy masasabi niyang matalino siya.
Nagpatuloy siya sa pagbasa at paglaro hanggang sa dumating siya sa isang seksyon ng diyaryo kung saan pwede kang makahanap ng trabho.
Nabuhayan siya ng loob at tinignan ang mga trabahong pwede niya mapasukan ngunit isa lamang ang nakakakuha sa kaniyang pnsin.
WANTED : MAID
-Must know how to cook and do house chores.
-Must be 18 to 23 years old.
-No paper works needed for the job.
-Apply at 183 Guingona Street San Isidro Labrador.Tumalon talon siya sa tuwa. Mukhang para nga sa kaniya ang trabahong ito.
Natulog siya ng maaga upang may lakas siya para sa susunod na araw na tatahakin niya.
jmarida