Ako si Blue lalaki 17 yrs.old at nag aaral. 3rd. Yr.high school ako ngayon.
Habang nag lalakad ako patungo sa aking paaralan may na pansin akong babae sa kabilang kalsada nag lalakad din nakayuko. Pareho pala kami ng paaralan pero bakit parang ngayon ko lang siya nakita.
Tumawid ako sa kinaroroonan ng dalagita.
"Miss transfer ka ano". Maligayang bati ko sakanya. Tango lang ang sagot niya.
" Ako nga pala si Blue". Ilinahad ko ang aking kamay sakanyang harapan. Pero tinignan lamang nya ito at nag patuloy nag lakad habang ako naman ay naka sunod lang sakanya.
Simula nong araw na yon lagi na kaming magkasabay maglakad papunta at pauwi ng bahay. Hanggang sa umamin ako na may gusto ako kay Sonia.
Lumipat sila dito sa baryo namin dahil iniwan sila ng kanyang ama.
Habang tumatagal parang mas komportable akong kasama sya masayahin at madaldal siyang dalaga pero makikita mo sakanyang mata ang kalungkotan.
Lumipas pa ang ilang buwan. Ngayon ay February 18, 2018 JS prom namin. Napag desisyon kong magtapat na sa kanya dahil mas lalo sasabog yong puso ko kapag hindi ko pa ito inamin sa kanya..
****
" Sonia". Tawag ko sakanya.
"Ano hindi kita maintindihan Blue". At dahil naintindihan ko sya hinila ko sya mejo malayo sa auditorium kong san ginanap ang JS prom namin.
" Sonia" may ipagtatapat sana ako sayo.
"Mahal kita Sonia at mas lalong napapamahal ako sayo".
" Blue". Parang dismaya niyang tawag saakin. Nag umpisa ng buhos ang mga luha sa aking mga mata.
" Na bigla ba kita Sonia, pasensya kana ang sikip na kc ng dibdib ko sa araw² nating magkasabay pumasok ng paaralan napapamahal ako sayo, alam kong bata pa tayo pero wala naman siguro masama kong susubokan natin dba".
Aalis na sana ako ng hawakan nya aking kamay at yinakap ako.
"Tayo naba Sonia". Tumango lang sya.
****
Ang bilis ng panahon 6months na kami ni Sonia graduating na kami ngayong taon yohoo. Sabay kami mag aaral ng kolehiyo." Hi baby bat ang tamlay mo."
"Wa..wala ok lang ako Blue napuyatan lang ata ako kagabie.".
" Ganon ba baby sige hindi na muna tayo magtetext mamaya pag uwi mo tulog ka nalang ng maaga para makapag pahinga ka...
***
November at the park"Blue may sasabihin ako".
" Sige baby ano yon upo tayo don sa benchers ".
Kinakabahan ako baka gusto na niyang magpakasal sakin eh HighSchool palang kami." Blue buntis ako". Napatayo ako ng wala sa oras at umiiyak na si Sonia.
Matagal bago ako nag salita.
"Sinong ama?". Nanlamig ako yon lang tanging lumabas sa bibig ko. Hindi pa nga kami nag kahalikan buntis na sya hanggang holdings hands at yakap lang ako sakanya dahil malaki respeto ko sakanya.
Iyak lang sya ng iyak. Hindi ko namalayan naka uwi na pala ako sa bahay namin. At don ko binuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko. Nag kulong ako sa kwarto hindi kumakain.
Hanggang sa dinalaw nya ako 5months na ata yong tyan nya. Nakapag graduate na din kami. Pero nandito parin ako sa bahay gusto ko magpari.
" Blue kausapin mo naman ako."
"Ano pa ba dapat natin pag usapan Sonia malinaw na lahat linoko mo ako noong tayo pa. Sinira mo lahat na pangarap ko para sa ating dalawa. Bumalik ka nalang sa ama ng dinadala mo.". And i turn around to go back to my room, when i hear her sobbing.
" Blue tulongan mo ako tinakwil ako ng magulang ko hindi ko na alam kong san ako pupunta please patawarin mo ako hindi ko naman ito ginusto".
Dahil sa naawa ako sakanya tinanggap ko sya at tumayo bilang isang ama ng bata na hindi ko laman.
Masaya kaming nag sama namasokan ako ng Security Guard para sa pangangailangan nya pagpanganak nya.ginugol ko lahat na oras ko sakanya at sa bata kahit mahiral gumigising ako ng maaga para mg luto mag laba ginawa ko ang lahat wag lang nya ako iwan ulit. Hanggang sa nagdesisyon sya.
"Blue yong auntie ko sa manila bakante daw ng isa yong katulong sa pinapasokan nya gusto ko din sana mag trabaho para makatulong sayo hiyang hiya na ako sayo blue."
Malalim na hininga ang pinakawalan ko.
"Magtatalo nanaman ba tayo dahil jan Sonia. Kulang paba binigay ko sa inyong mag ina kong kulang mag hahananap ako ng sideline wag mo lang akong iwan Sonia maawa ka. Mahal kita. 2months palang ang bata kailangan ka nya.".
" Sorry blue pero buo na ang desisyon ko aalis na ako. Ingatan mo anak ko.". Yon ang huli niyang habilin bago lumabas ng bahay.
Tinignan ko nalang ang bata para hindi ako mag wala. Kawawa ka naman baby Angel iniwan ka ng mama mo sakin hayaan mo ibibigay ko lahat na gusto mo.
Patuloy parin ako sa pagtatrabaho may maibigay lang ako kay Angel Security Guard parin ako dalawang oras lang tulog ko. Mabantayan ko lang sya.
***
After 8yrs." Blue anak may nag hahanap sayo attorney daw ". Napahinto ako sa pag lalakad ng makita ko ang ina ni Angel at attorney.
" Blue gusto ko sana kunin ang ana..k"
Hindi ko na pinatapos.
"Kunin mo na bat ka pa nag dala ng attorney hindi naman kailangan dahil hindi naman akin yong bata. Angel". Tawag ko sa bata.
" Bakit po pa". Napahinto sya ng makit nya ang nasa harapan ko at nagtago sa likod ko.nag simula na syang umiyak.
"Papa wag nyo po ako ibigay hindi na po ako manghihingi mg pera sa inyo mag iipon na po ako."/
" Angel anak makinig ka kay papa. Humarap ako sakanya.
"Angel sya ang tunay mo na mama".
" Hindi papa. Nagsisinguling kalang. Ayaw nyo na po ba sa akin.
"Wag muna pahirapan yong bata Blue ibigay mo nalang sa akin kundi ipapakulong kita.".
Napasigaw ako sa galit.
" Pahirapan? Sino kaya ang mahirapan dito diba kaming dalawa. Dahil iniwan mo sakin ang batang hindi ko naman kadugo at nagpakasaya ka sa manila". Pasigaw ko sakanya. Punong puno na ako.
"Relax lang ho mister". Singit ng attorney. Ganito nalang po. Tanongin po nating yong bata kong saan nya gusto sumama.
" Iha Ange...l"
"Wala po akong pipiliing iba kundi ang papa Blue ko po. Umalis na po kaayo parang awa nyo na po..ndi ko po kayo kilala...
***
Months past by. Hindi na nagparamdam si Sonia. Nabalitaan ko may pamilya na sya. Masaya na kami ng anak ko. Kahit ndi ko sya kadugo.
Hanggang sa muli...
Hahaha bitin po ba..kong may mag rerequest na 20 readers na itutuloy ..dudugtongan .pero One Shot po ito. Thanks for reading lovelots guys.. Iloveyou😉😉😉😉