Kiss Me Goodbye [ ONE SHOT ]

9 1 0
                                    


Kiss Me Goodbye


Alas tres na ng umaga at wala pa akong ganang bumangon. Tinatamad akong pumasok sa trabaho. Napalingon ako sa manika kong si Vince na nasa gilid ng aking kama. Agad ko siyang kinuha at yinakap.

"Alam mo, Vince.. Hindi ko naiimagine ang buhay na may magulang. Iyong pagkauwi nila ay magmamano ako at hahalikan ko sila sa pisngi tulad ng mga ginagawa nila sa TV. Hindi ko na rin ata kailangang magtrabaho ano? Siguro madali lang ang aking buhay pag and'yan sila.." wika ko. Naramdaman ko ang pagtakas ng ibang luha sa aking mga mata.

What if.. Iyan ang parating nabubuo sa isip ko. Mabuti nga't andito si Vince, kahit papaano'y gumagaan ang pakiramdam ko.

Alam ko, nagmumukha akong baliw kakausap sa isang manika ngunit para sa akin ay buhay siya.. Nakikinig sa bawat hinaing at kwento ko. Hindi ko rin naman siya kinakausap sa publiko ano, mas mawiweirdohan lang ang mga tao sa akin kung ganoon. Minsan ko nalang rin siya dinadala sa bag. Baka ano pang mangyari sa kanya.

Napatingin ako kay Vince na basa na rin ang mukha.

"Naku. Sorry, Vince!" sambit ko sabay pahid sa kanyang mukhang nabasa buhat ng aking pag-iyak.

Nakita ko ang sugat niya sa kaliwang pisngi. Agad nagpuyos ang galit sa aking damdamin ng dahil sa naalala.

Tumatakbo ako papuntang classroom. Nakalimutan ko palang dalhin ang aking bag. Naroon sa loob si Vince!

Pag-aalala ang kumalat sa aking sistema. Naramdaman ko ang pangingilid ng aking luha. Ilang beses ko ng pinagalitan ang aking sarili sa aking isip.

Hinahabol ang aking hininga'y nakaabot ako agad sa aming classroom. Nakahawak ako sa gilid ng pinto, hinihingal pa.

"She really is weird, Cei." wika ni Sciarra sa kanyang mga kaibigan. Napatango naman si Ceilo sa kanya.

"Akalain mo nga naman, highschool na ay may dala pa talagang manika. How childish!" sambit ni Jann dahilan para mapuno ng tawanan ang bawat sulok ng silid.

"Akin na 'yan, please.." lumapit ako sa kanila, nagmamakaawa. Nakita ko ang pagkagulat sa kanilang mukha.

"Look who's here, girls." wika ni Sciarra sabay taas ng kilay sa akin.

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas at wala pang luha ang kumawala sa aking mga mata. Tama. Ganyan dapat, Mily. D'yan ka naman magaling, hindi ba? Ang magpanggap na matapang ka..

"The scissors." Sciarra demanded but her eyes was fixated to me.

Napalingon siya kay Jann, tila naiinip.

"I said, the scissors!" sigaw niya.

"Ha? A-Ay.. Sandali!" nanginginig na sambit ni Jann sabay kuha ng gunting sa kanyang bag.

"Anong gagawin niyo?" tanong ko, bahagyang tumaas ang aking tono ng pananalita. Akma akong lalapit ngunit pinigilan ako ng dalawang alipores ni Sciarra.

"Nuh-uh. You're not going anywhere, Darling." pabulong na wika sa akin ni Ceilo sabay taas ng kilay.

Pinilit kong magpumiglas sa kanilang pagkahawak but their grasp was too strong. Kahit ano pang galaw ko'y maigting pa rin ang kanilang pagkahawa.

"See this, Mily?" nanunuyang tanong ni Sciarra. Bahagya siyang lumapit sa akin sabay lapit sa gunting sa kaliwang pisngi ni Vince.

"Please! Kahit ako na lang. H'wag niyong damayin si Vince!" paghagulgol ko. Kumawala na ang mga luha sa aking mata nang hindi ko na nakayanan.

Their evil laughter filled every corners of the room.

"You're crazy! Pinangalanan mo pa talaga ang manika." Sciarra said in the middle of her laughter.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kiss Me Goodbye [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon