"Ericka, long time no see ah" he said bitterly
I gave him a smile as I walk towards him.
"I miss you babe" I replied
But instead of getting the same answer, he just smiled sadly.
"Bakit ka nga pala nakipagkita sa akin? Namiss mo ako noh?" Gumagaralgal kong tukso
Pero deep inside, mukhang alam ko na yung sasabihin niya.
"Ericka, ayoko na. I can't do this anymore. I'm breaking up with you."
Those words, na kahit inaasahan ko na, ang sakit sakit pakinggan. Na parang kutsilyo na sumasaksak sa puso ko ng paulit-ulit at palalim ng palalim.
As a reply, I smiled as tears start to fill up my eye.
"Mahal mo pa rin ba siya?" Mangiyak-ngiyak kong sabi
"Yes" he happily said
That single word brought my tears down to my cheek. Ayaw na nila huminto. Nakakainis.
"I'm so sorry Ericka pero di kita kaya pang lalong saktan. Di kita kayang gawing panakip butas kahit sinabi mo pa sa akin noon na okay lang sa'yo. Akin kasi hindi eh. Mahal kita pero bilang kaibigan lang. Siya talaga mas itinitibok ng puso ko eh. I'm very sorry." Kitang kita sa mata niya yung sinseridad niya.
Pagkatapos niyang sabihing ang mga katagang yun, pilit kong tinitiis ang hikbi ko. Yung mga balikat ko di nakikisama, di ko makontrol sa paggalaw nito. Sabay ng aking pigil na pag-iyak ay biglang bumuhos ang malaks na ulan.
Buti naman nakiayon yung panahon sa nararamdaman ko. Parang cinocomfort niya ako. Di pa nahahalata yung iyak ko dahil nababasa na din ako ng ulan.
Sabay ng pagbuhos ng ulan, nataranta naman siya at kinalikot ang bag niya. Kumuha siya ng dalawang payong. Isang dilaw at isang pula.
Yung dilaw na payong na iyon...
Yun yung bigay ko sa kanya nung una kaming nagkakilala
Binuksan niya ang mga payong iyon at binigay sa akin ang dilaw. Nakita ko naman sa payong niyang pula na may nakaimprentang pangalan ng mahal niya.
Rechille...
Hayyyy, pati ba naman sa payong, siya pa rin ang pipiliin mo?
"Ibabalik ko nga pala sa iyo yan. Alam ko kasi na hindi para sa akin yan. Sabi mo kasi paborito mo at hindi mo kayang mawala iyan kaya mo binigay sa akin kasi maalagaan ko ito ng mabuti. Pero hindi ko na kaya eh." Aniya
I smiled dahil naalala pa rin niya yun kahit hindi niya ako mahal. I held his hand.
"Mukhang masaya ka sa kanya noh? Halata sa mga ngiti at mata mo na mahal ka rin niya."
He nodded with a smile on his face
"Mahal na mahal kita alam mo iyon? Sabi nila, kung mahal mo, let go na lalo naman kung hindi ka niya mahal. I am doing this for you. I want you to be happy for the rest of your life that is why I'm letting you go."
He didn't reply but those eyes were saying sincere thanks to me. He nodded and slowly lets go of my hand. Turn his back away from me and starting to walk away.
I smiled bitterly habang tinatanaw ko siyang lumayo. Nang nawala na siya sa paningin ko, nabitawan ko ang payong bigay niya at napaupo sa sementong basa at malamig. Salamat at nakayanan ng mga tuhod ko habang nandyan pa siya kanina. Nilabas ko na lahat lahat. Iniyak ko na lahat. Wala akong pake kung sino makakita sa akin dahil gusto kong mabawasan ang sakit na ito.
I love you very much babe. Kahit pa bumaligtad ang mundo, kahit pa meron ka ng iba, nandito lang ako. I will comfort you like the rains. Hindi ako mawawala babe and I will always look at your smiles from afar even though I am not the reason behind it. No matter what happen, I'll be always be your girl in the rain.
YOU ARE READING
The Girl in the Rain
Short StoryI love you very much babe. Kahit pa bumaligtad ang mundo, kahit pa meron ka ng iba, nandito lang ako. I will comfort you like the rains. Hindi ako mawawala babe and I will always look at your smiles from afar even though I am not the reason behind i...