-Tula XI-
Siya kaya'y napatawa?Sapagkat ang aking twitter na itinuring ko na isang talaarawan ay kanyang nabasa?
Hindi bale na, mahal naman kita.
-Tula XII-
Ako'y nagagalak sapagkat ang hinatid ng aking mga mensahe ay nagbigay sa iyo ng mga ngiti sa labi.Sana'y balang araw ay ikaw na ang laging nakakatabi,
Lalo na tuwing matutulog na sa gabi.-Tula XIII-
Kahit sino ang humadlang, ako'y hindi bibitaw,
Dahil ang gusto ko ay walang iba kundi ikaw.-Tula XIV-
Parang mapupunit na ang aking labi,Sapagkat sobra pa sa sobra ang aking mga ngiti,
Na nagsasabing sa aking pinipigil na kilig ay maari na akong tumili.
-Tula XV-
Ako'y maghihintay,
Dahil ikaw lang ang gustong makasama habangbuhay,Kung kaya't hihintayin ko,
Ang muli mong pagsambit ng "mahal ko."-Tula XVI-
Ayos lang kahit hindi mo muna sambitin ang salitang "mahal kita."Dahil kapag dumating na ang panahong tayong dalawa na ay magkasama,
Malaya ko nang maipaparamdam sa iyo at isisigaw sa mundo na iniibig kita.
-Tula XVII-
Wala kayong kapangyarihang manghusga dahil nung una palang ay wala kayong karapatan,Kahit pa ang agwat ay kasing lawak ng karagatan,
Hinding hindi ako babali sa aming pagmamahalan.
-Tula XVIII-
Kung mahal mo ang isang tao dapat ipaglalaban mo ang pag-iibigan niyo...Pero paano kung ikaw nalang ang lumalaban?
Paano kung napagod at tumigil na siyang ipaglaban ka?
Paano kung siya na ang kusang bumitaw?
Sa kabila ng mahigpit na pagkakahawak mo sa mga kamay niya?
At isang araw baka bigla ka nalang matatauhan na baka nga na hindi ka na niya mahal dahil kung mahal ka niya,
Hindi niya dapat bibitawan ang mga kamay mo sa gitna ng laban...
-Tula XIX-
Huwag kang susuko sa darating pang pagsubok,Hahanapin kita kapag nawala ka sa kahit saang sulok...
-Tula XX-
Bakit kung ano pa ang pinaka nakakapagpalungkot sayo..
ay ang tanging nakakapagbigay lamang ng di mapantay na kasiyahan sa puso mo?
BINABASA MO ANG
Endlessly written
PoetryIlang araw, taon, buwan, o taon man ang lumipas, Asahan mo ang pag-ibig ko'y hindi magwawakas, Sa puso mo'y ako ay hindi na muli pang tatakas... ❤ ⭐⭐⭐⭐ #79 in poetry >> 06•02•18 > 06•05•18 >07•26•22<<