hwang hyunjin's pov
pauwi na ako galing sa sb. treat ni dannie so go lang ako. classmate ko din siya at nakakasama ko lagi yon.
medyo close kami. lagi niya akong inaapproach pagnagkikita kami, she helps me kapag nahihirapan ako, halos lagi siyang nasa tabi ko nung magkasection pa kami.nung pumasok ako sa room namin ang tahimik at di ko nakita si althea kaya pumunta ako ng kwarto. binuksan ko yung pinto at dose-dosenang crampled papers ang nakita ko sa sahig at si althea naman ay nakayuko dun sa table,
"bakit ang kalat dito?" medyo napalakas kong sabi kaya napaangat yung ulo niya,
"omg! sorry hyunjin. lilinisin ko na to labas ka muna," sabi niya nung napatingin siya sa sahig. wait, did I wake her up?
"hindi na, ako na. tulog ka na ulit don. task ko ngayong araw maglinis kaya hayaan mo ako," sagot ko naman sa kanya,
"no, kalat ko yan," sagot naman niya sakin,
"yah! althea kim. gawain ko to okay, kaya umupo ka nalang jan at lilinisin ko to," sagot ko sakanya. magsasalita na sana siya pero lumapit ako sa kanya kaya napaupo siya sa kama.
dinampot ko lahat ng mga nakakalat na papel at nilagay sa trash bin. dahil nagtataka ako kung ano yung laman ng papel, dinampot ko yung isa at binuksan.
"w-woah?"
kim althea's pov
bakit ang tagal nagtapon non? nasa tabi lang naman yung basurahan.
napatayo ako at pinuntahan siya. nakita ko naman siyang nakatayo sa may tapat ng basurahan. dahil na nakatalikod siya sinilip ko kung anong ginagawa niya,
"w-woah?"
hala tangina nakita niya?!
"hoy hwang hyunjin!!" sigaw ko at gulat siyang humarap sakin hawak hawak yung papel,
"binuklat mo?!" tanong ko sa kanya,
"hindi ko alam na ganto ka kagaling magdrawing," sabi niya,
"bakit mo binuklat?" tanong ko,
"eh ang dami daming papel eh. siyempre nacucurious ako kung anong pinaggagawa mo," sagot naman niya sakin,
"wait sino ba tong lalaking to? bakit mo di mo tinapos yung drawing?" tanong niya,
"ikaw yan gago," sabi ko sa isip-isipan ko,
"wala. imagination ko lang," sagot ko at kinuha sakanya yung papel sabay tinapon.
BINABASA MO ANG
crampled papers ㅡ hwang hyunjin
Short Story[ DISCONTINUED ] "bakit ang kalat dito?" starring STRAY KIDS HWANG HYUNJIN written by horizoens °highest rank #551 in epistolary #3 in straykids