SIMULA

2.4K 60 25
                                    

It was around 7:30, dumidilim na ang paligid, hudyat na malapit ng gumabi tanging liwanag na lang sa mga poste sa kalsada ang nagsisilbing ilaw. Nakapangalumbaba ako habang nakaupo sa isang bench, naghihintay ng masasakyang jeep. Sa totoo lang, wala masyadong tao sa lugar.

It was my first time here, at hindi ko alam ang pasikot-sikot. Sinuot ko ang jacket na hawak ko kanina pa, pakiramdam ko ay lumalamig na habang patagal ako ng patagal sa paghihintay. Medyo madilim sa kinatatayuan ko, kalimitan kasi ng poste sira ang ilaw. "Leche talaga! Kahit kailan ang tagal!" I whispered nervously, hindi ko alam kung saan nanggaling ang nerbiyos ko. Hinigpitan ko ang hawak sa backpack ko at muling tumayo at nagpalakad lakad.

Mas lalo akong kinabahan ng makarinig ako ng mga yabag papalapit sa direksyon ko. And before I could move, namalayan ko na lang ang sarili kong nabangga ng isang lalaki. Matigas iyong nabunggo ko, may hood ang jacket na suot nito dahilan para hindi ko makita ang kanyang mukha dahil natatakpan at madilim sa tayo namin.

"Ang tanga e, matuluyan ka sana!" I commented. Pero mukhang mali atang nagsalita pa ako, kasi lumingon sya sa direksyon ko. At mas lalo akong natakot ng may kinuha siya sa kung saan. A gun? Teka? My gosh. Nanlaki ang mga mata ko, at lalong kinilabutan when he smirked, at itutok nya sa akin ang baril na hawak nya.

"Are you going to k-kill me? Sorry na, j-joke llang yun, gago," I said habang nauutal, avoiding an eye contact with him. He just chuckled at unti unting lumapit sa akin. Mas lalong lumakas ang pag tibok ng puso ko.

"I'm not going to hurt you, poor kitten," he said, sa totoo lang napakalamig ng presensya nya na dahilan pa para lalong kumabog ang puso ko.

"H-hindi? E a-ano yan? Toy gun?" tanong ko rito. But instead of answering me, ipinutok nya ang baril na hawak nya. Hindi ako makagalaw sa tayo ko. Matagal akong natigagal, bago bumalik sa aking katinuan. Una kong ginawa, chi-neck ko muna ang sarili ko kung may tama ba ako. Narinig ko ang mahinang pagtawa nya, he finds this funny? C'mon, kahit sino e matatakot. Sunod kung ginawa ang magpalinga-linga, at nakita ko ang isang taong duguan na nakahandusay.

"You should thank me for this," muling sumilay ang nakakatakot nyang ngiti.

"H-ha?"

"What's your name?" seryoso nitong tanong. Napalunok naman ako ng laway, I remained silent. Ramdam ko ang paglapit nya sakin, dahilan para mapaatras ako. Hindi na ako nakaatras ng hawakan nya ako ng mahigpit sa braso, kahit anong pagpupumiglas ko mas malakas siya sakin. Mas lalo akong naalarma ng itutok nya sa akin ang hawak nyang baril.

"P-Pearl... i-iyon ang n-name k-ko... P-pearl S-santibañez..." nauutal kong sagot. Jusko! Ayoko pa pong mamatay.

"I'll see you soon, Pearl," after that, nawala na siya sa harapan ko.

What was that? Who was that? Ganito ba talaga dito? Parang gusto kong magsising pinaunlakan ko ang aking tiyahin.

Nanatili lang akong nakatanaw kung saan nawala sa paningin ko ang lalaki. It was hard to process what had happen. Natauhan lang ako nang may bumusina sa harap ko.

"Ano, miss? Sasakay ka ba? Bandila na,"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Treasured PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon