Sa isang plaza, kung saan makikita mong maraming tao ang nagsasaya matapos lumabas sa simbahan, makikita mo ang mga magpapamilyang naghahanap ng kanya-kanyang puwesto para magtayo ng kanilang tent para doon na magsalo-salo ng tanghalian, mga batang nagsisitakbuhan papuntang palaruan ng plaza tulad ng slide, see saw at swing nito. May mga magkasintahan ding magkahawak kamay na naglalakad papunta sa man made lagoon nito at magkakaibigan na nagkakatuwaan at nag-aasaran. Ngunit ang mapapansin mo ay ang babaeng nakasalamin at nakabraid ang may kahabaan nitong brown na buhok. Mag-isa itong nakaupo sa isa sa mga bench hindi tulad ng ibang may mga kasama. Nagsusulat ito sa isang brown na notebook na nakapatong sa kanyang hita.
"Boo!" Nahulog ang kanyang sinusulatan nang may boses na gumulat sa kanya mula sa likuran. Napahawak siya sa kanyang dibdib nang may humawak sa kanyang balikat at pinisil ito nang marahan.
"Kenneth!" Lumabas ang isang morenong lalakeng may pagkakulot ang buhok lalo sa bangs nito. Ngumiti ito na siyang nagpalabas sa dimple nito sa kaliwa at nagpasingkit sa mga mata nito. Hindi na nito napigilan ang tawa nang nakitang magkasalubong na ang kilay ng babaeng ginulat niya.
"Janelle!" Panggagaya nito sa tono at taas ng boses. Pumunta na siya sa harapan nito at lumuhod sa may paanan ng babae. Pinulot niya ang notebook nito at ballpen saka inilagay sa sling bag nito. Tiningala niya ang babae na nakalabi na ngayon. Tumawa siya ng mahina pero pinigilan niya na at baka mainis na ito sa kanya. Bago siya tumayo nang tuwid ay hinalikan niya muna ito sa pisngi saka isinabit ang bag nito sa kanyang balikat.
"Tara na, uwi na tayo." Hinawakan ni Kenneth ang kamay ni Janelle at nagsimula ng maglakad.
Kinabukasan, naglalakad nang dahan-dahan si Janelle patungo sa isang kulay puting pinto na may mga nakadikit na stars at isang malaking dream catcher sa gitna. Binuksan niya ito at bumungad at kulay asul niyang kwarto na may nakapintang bituin sa kisame na bumubuo ng constellation. Makikitang umupo si Janelle sa gilid ng kanyang kama at nakikinig ng music sa speaker nito nang tumunog ang cellphone niya. Agad niya itong kinuha at sinagot nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.
"Hello?"
"Asan ka ngayon?" Kahit hindi niya na tanungin kung sino iyon ay kilalang kilala niya na ang boses na iyon simula pa noong elementary siya—higit labing apat na taon na.
"Nasa bahay, Ken. Bakit?"
"Wala naman. Hehehe." Napakunot siya ng noo at narinig niya na ang pagbaba ng kabilang linya. Nahipan na naman siguro ng masamang hangin ang ulo nun. Pag-iisip ni Janelle.
"It's 8 o'clock in the morning." Biglang tunog ng cellphone niya na may audio ang orasan na automatic na nagsasalita in particular time/o'clock.
"Maaga pa." Nagiisip siya kung anong gagawin sa araw na ito nang biglang narinig niya ang pagbukas ng pinto sa living room nila. Narinig niya ang yabag nitong umaakyat sa kahoy na hagdan nila at ang pagbukas ng pinto ng kwarto niya.
Dire-diretso lamang si Kenneth na halatang bagong ligo dahil sa bagsak at mamasa masang buhok nito. Luminga-linga si Kenneth at kinuha ang sling bag ni Janelle at kinuha ang isang dress nito sa closet. Hinila niya ito palabas ng kwarto.
"May puntahan tayo. Tara." Ngumiti siya rito at nagpatuloy ng maglakad habang hila-hila si Janelle. Inalalayan niya itong bumaba ng hagdan. Walang ingay sa bahay nito dahil may pinuntahan daw ang lola nito na siyang nagaalaga kay Janelle habang nasa Dubai ang nanay nito, si tita Irene. Sumakay na sila sa kotse nito at nagdrive patungong bahay niya. Pagbukas nila ng pinto ng bahay ay maririnig mo ang ingay at sigawan.
BINABASA MO ANG
Starry Starry Night
RomanceMga mata ng isang babae. Makikita mo ang pagka inosente ngunit puno ng pagmamahal ang mga matang iyon. Mga mata ng isang lalake. Makikita mo ang saya rito pero mapapansin mo rin ang bahid ng lungkot sa mga matang iyon. Inilahad ng babae ang kanyang...