Ang Pagsisimula

6 2 0
                                    

Kent asaan ka na naman!!!! (naku talaga tong bata na to ang hirap hirap talaga utosan ang tigas ng ulo)

sabi ng nanay ni kent ng pabulong sa kaniyang sarili.

hayysssttt paano kaya ako magkakaroon ng super powers? gusto ko lumipad kalabanin ang mga masasamang loob at iligtas ang mga taong nangangailangan. (lumilipad nanaman ang isip ni kent)

Ako si kent 16 yrs old mahilig akong maglaro at madalas lumilipad ang isip ko,, tungkol sa mga kakaibang bagay.. ,mahilig din akong manood ng mga adventures na movie lalo na yung mga may super powers naku madalas ko silang ginagaya! at lagi kung iniisip na balang araw magkakaroon din ako ng kapangyarihan!!

Arraaayyyy!! anu ba?? (ang pasigaw na sabi ni kent !)

Kuya kanina kapa hinahanap ni mama galit na galit nanaman yung iniutos daw niya sayo hay naku! ganyan ka nalang palagi...

Ayyy patay oo nga pala salamat Pio pinaalala mo sige diyan kana.. ?(mabilis na kumaripas ng takbo si Kent)

Talaga to si kuya wala ng inatupag kundi paliparin ang isip haha pero gusto kong ganun siya nakakaganti ako ng batok ng hindi niya namamalayan hahaha!

Siya naman si Pio 14yrs old kabaliktaran ni Kent masunorin seryoso walang hilig makisalamuha,, tumutulong sa mga gawaing bahay at matalino,,.. pero iisa sila ng gusto!! ang maging "SUPERHERO"..

Isang batang babae na malabo ang mukha? sino ka (ani ni kent?) hindi na kelangan basta sumunod ka saakin malalaman mo ang kasagotan, at sinundan niya ang babae ng biglang bumukas ang lupa at pilit siyang kunikuha ng lupa habang siya ay nakakapit sa isang bato para hindi siya tuloyang mahulog.. Kuuuuuyyyyaaa kuuuuyyyyyaaaa ang naririnig niyang boses simula mahina at papalakas,....

Kuuuyyyaaa HOY!!! KUYA!!! gising na!! kanina pa nakahanda ang pagkain sa lamesa may pasok pa tayo ang sabi ni Pio sa kanyang kapatid

At tuloyan nanumbalik ang ulirat ni Kent na hingal na hingal,,

Panaginip? paulit ulit ko nalang napapanaginipan yun aniya ni Kent

Anong panaginip pinagsasasabi mo kuya ang nagtatakang tanong ni Pio kay kent...

Ah wala sige na! tara na!! baba na tayo,..

Naglalakad ang mag kapatid patungo sa kanilang skwelahan habang iniisip ni Kent ang kanyang panaginip.. Ng napansin ni Pio na parang malalim ang iniisip ng kanyang Kuya..,, at hindi siya nakatiis at tinanong niya ito..,,

Kuya anong iniisip mo? May sakit kaba? oh di kaya'y malamang lumilipad nanaman ang isip mo..

Diba pio matalino ka? Uhhmm sabi nila.. pero hindi ko alam.,, (medyo payabang na sagot ni pio na may kasamang ngiti sa labi)!

Sige nga kung matalino ka sagotin mo ang tanong ko?

Sige kuya ano yun? Lagi kasi akong nakakapanaginip ng..(at kinuwento ni Kent ang kanyang panaginip kay Pio..

At makikita sa mukha ni pio ang pagkamangha at gulat!! at akmang may sasabihin si pio..

Uy wait diba si chelsea yun?? wow ang cute niya talaga.. (lumiliwanag ang mga mata ni Kent ng makita niya ang kaniyang Crush simula pagkabata).

Uy.... Girl kamusta naman ung bahay niyo? hindi ba nasira nung nakaraang bagyo?? balita ko kasi malaki daw naidulot na pinsala ng bagyong Auring..

Ah hindi naman pero ung kusina namin sa labas yun ang nasira nabagsakan ng natumbang Puno ,,hay salamat buti naman,,

siya si Chelsea isa sa pinakamagandang babae sa kanilang skwelaha halos lahat ng lalake nagkaka crush sa kanya.., masipag matalino at mabait na bata,,..

Teka..,,? sabi ng kaklase ni chelsea,., tingnan mo diba si kent yun Chelsea si kent yun diba?? pakilig na salita ng kanyang kaklase

"OO" kita ko! sabay irap ng mga mata ni Chelsea na sabay ngiti ng bahagya..,,UUUUYYYYYY!!! (sabay sabay na pang asar ng mag kaklase ni chelsea)

Pwede Ba tigil tigilan niyo nga ako ng kakaasar diyan kay Kent... napaka batugan niyan walang araw na hindi sinisigawan ng nanay niya yan tapos tigas tigas pa ng ulo..

Uyyy bakit alam na alam mo?? interesado ka sa buhay niya nohh hahahahaha!! sabay na sabay na tawanan ng mga babae niyang kasama sa paglalakad..

Ha ha ha! pang asar na sagot ni Chelsea malamang kapitbahay ko yan at kababata ko pa pwede ba tara na nga!!

Uy kuya sabi ni Pio kay kent..,, Tingnan mo si chelsea nakatingin sayo..

Malamang sa Gwapo kong to at alam ko naman crush niya ako noh.. papakipot lang yan..,,

HAHAHA! yan ang kuya ko!!! Mayabang!!

KPTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon