-Gray-
Hay grabe ang init sa pinas! Kakagising ko lang at pawis na pawis ako kahit na dalawang fan na nakatapat sakin. Pambihira nakakapikon talaga. Bumangon na ko.. Sayang gusto ko pa sana matulog eh kung di lang talaga mainit.
"GRAY!!!"
Ano bayan!!! Nagmmuni muni pa ako tas may matinis na boses na tumawag ng pangalan ko. Dumungaw ako sa bintana.. Si Flo (Flora) Santos. Ang childhood best friend ko. Sobrang ganda niya pero dont get me wrong. Friends lang talaga kami. Pero tuwing magkasama kami pinagkakamalan na kami. Sikat pala yan sa school. Kung alam lang nila tunay na ugali niyan.
"GRAY TUTUNGANGA KA NALANG BA DIYAN?!!" Ang sabi ni flo.
"ANO BA KELANGAN MO?!"
"PAPASUKIN MO KAYA MUNA AKO SA BAHAY NIYO DIBA?! HIYANG HIYA NAMAN AKO DAHIL ANDAMI NANG NAKATINGIN DITO! Gosh mind your own business people!"
Kaya nga. Sabi ko nga papasukin ko nga eh. Anong oras na ba? tumingin ako sa relo ko... 10:31 am. Bumaba na ako sa 1st floor para pagbuksan ng pinto ang nagrreyna reynahan.
"Bakit ang tagal mo?! Alam mo ba na ang init init sa labas?! Ang also... Ayaw kong mangitim." Ang bungangerang si flo. Andaming reklamo grabe.
"Asan sila tita and tito? And also asan si tinkee?" Dagdag pa niya.
"Eh bakit kaba nandito?"
"Eh.. Makikikain sana ako ng ice cream."
"Sabi ko na nga ba eh. Wala inubos na ni Tinkee kagabi. Nagleft sila ng note para sayo." Nahiya naman ako eh no? Ako yung anak pero kay Flo nagiwan ng note. Kaasar.
"Ano sabi?"
"Ang sabi (ginaya yung boses ni mommy) Hi Flora, we already expected na ppunta ka ngayon. And your pistachio ice cream... Naubos ni Tinkee. But dont worry maggrocery muna kami :) samahan mo nalang muna si Gray. Wait for us ok?
P.S : Gray clean your room. And cook your own breakfast."
Grabe nahiya naman talaga ako oh. Mas mahaba pa yung sinabi kay Flo kesa sakin. Tas bbilhan pa siya ng ice cream tas eto ako tunay na anak kahit iwanan lang ng Bfast di pa nagawa. Hay nako. Dumiretso na ako sa banyo para makaligo. Dedmahin ko nga muna tong si Flo na dumiretso sa kitchen.
PAMBIHIRANG TUBIG TO!!! WALA KAMING HEATER PERO ANO TO?! Ang init! Binilisan ko nalang. Nakakapaso kainis.
Buti nalang medyo lumalamig na ulit yung tubig. Nakakarefresh na. After kong maligo agad agad akong nagbihis. Tas pagbaba ko sinalubong ako ng babaeng to.
"Gray!! Gusto ko ng omelette! You cook na dali! Im so hungry na kase."
Aba demanding. Hinatak niya ako papuntang kitchen.
"Oo na. Ikaw maghhugas ng plato ah!"
"Yuh whatever."
So ayun ako na nagluto. Actually, kung di lang ako gutom eh lalagyan ko na ng lason tong pagkain. Pero syempre joke lang yun. Anyway.. Masarap talaga ako magluto. Aba 18 years old na ko pero nung kabataan ko lagi akong sumasali ng cooking contests and di sa pagmamayabang ay lahat nakuha ko yung title ng bawat contest. Hehehe~
Kumain na kami tas after non dumating na si mommy and Tinkee Na may dalang groceries. And winiwish ko na sana bumili sila ng favorite kong drink.. Dr.pepper. Masarap yun try niyo :) hmm.. Oo nga pala. Si Tinkee ang baby sister ko. She's already 16 yrs old.
Hmm. Nasan si daddy? Kadalasan kase pag maggrocery sila mommy laging kasama si Daddy and everytime na magggrocery sila laging may flowers and chocolates si mommy na galing kay daddy. Sweet ba?
YOU ARE READING
The Enigma
RandomThis story is all about a girl named Sky. Di siya tulad ng ibang tao. Mukha lang tao. Pero di siya tao. Makakalimutin siya kaya kahit na matagal na siyang nabubuhay ay wala siyang naalala. Pero naging exception na yun si Gray.